Herlene Budol takot na takot kay Mon Confiado, ayaw nang makatrabaho?

Herlene Budol takot na takot kay Mon Confiado, ayaw nang makatrabaho?

Mon Confiado at Herlene Bulo

TOTOO nga ba ang tsismis na ayaw nang makatrabaho ng Kapuso beauty queen-actress na si Herlene Budol ang award-winning character actor na si Mon Confiado?

Inamin kasi ng dalaga na kung may isang lalaking artista na kinatatakutan niyang maging kaeksena, yan ay walang iba kundi ang seasoned actor na si Mon Confiado.

Sa interview sa kanya ng kapwa Kapuso star na si Mikee Quintos sa programa nitong “Lutong Bahay” na napapanood sa GTV,  natanong si Herlene kung sino sa mga nakatrabaho na niya sa mga teleserye ang ayaw na niyang makatrabaho uli.

Sagot ni Herlene, wala naman daw talaga siyang partikular na artistang ayaw na niyang makatrabaho, halos lahat daw ng mga nakasama niya ay okay kaeksena.

Baka Bet Mo: Mon Confiado 11 years nang walang dyowa: Tinanggap ko nang matandang binata na ako…

Ngunit nabanggit nga ni Herlene ang pangalan ni Mon Confiado na nakasama niya noon sa isang episode ng “Tadhana” hosted by Marian Rivera.


Gusto pa rin naman daw niyang makatrabaho uli ang napakagaling na aktor sa mga susunod niyang proyekto pero inamin niyang grabe ang takot na naramdaman niya noong magkasama sila sa “Tadhana.”

As in tunay na takot talaga ang na-feel niya sa mga intense scenes nila ng aktor kaya naman dalang-dala siya sa kanilang mga eksena na parang totoong-totoo.

“Grabe sobrang galing niya, talagang tinakot niya ako, pero gusto ko pa rin siyang makatrabaho,” sey ni Herlene.

Papuri pa niya kay Mon, para daw sa kanya ang premyadong aktor ang pinakamahusay na kontrabidang lalaki na nakatrabaho niya at hindi siya magdadalawang-isip na makasama uli ito sa next project niya sa GMA 7.

Read more...