DIRETSAHANG inamin ng Kapuso actor na si Jak Roberto kung sinong kapwa artista ang ayaw na niyang makatrabaho uli.
Sa kanyang naging guesting sa “Lutong Bahay” kamakailan ay inusisa siya ng host ng programa na si Mikee Quintos tungkol sa mga bagay bagay.
Isa nga sa mga tanong ng dalaga kay Jak ay kung sinong artista ang ayaw na niyang makatrabaho ulit sa isang project.
Ngunit matapang ang aktor at sinabing ok lang sa kanya kahit hindi i-bleep ang kanyang sagot.
Baka Bet Mo: Hiwalayang Barbie Forteza at Jak Roberto fake news, naglabas ng resibo
“Kahit di n’yo i-bleep. Grabe ‘to. Ayoko nang makatrabaho. Dala talaga…si Sanya [Lopez],” sagot ni Jak.
Chika niya, hindi raw sila makapagtrabaho nang seryoso kapag magkasama sa eksena.
“Kasi nagtatawanan kami ‘pag nakakatinginan kami. ‘Di ba ‘pag uma-acting kami e di seryoso ‘yong eksena, hindi namin kaya,” dagdag pa ni Jak.
Nangyari raw ang ganitong eksena noong ginagawa nila ang Kapuso teleserye na “Half Sisters”.
Nag-iiyakan raw noon sa isang scene sina Thea Tolentino at ang kanyang girlfriend na si Barbie Forteza.
“Tapos nagkatinginan kami [ni Sanya]…wala na. Tapos after no’n, tumawa na kami nang tumawa,” buking ni Jak.
Para saga hindi aware, si Sanya ay ang nakababatang kapatid ng aktor.
Sa kabila naman ng nangyari ay bet pa rin niyang makatrabaho ang Kapuso actress sa ibang project na hindi masyadong seryoso.