Kamakailan, sinigurado ng Estado ng California ang mas higit pang makabuluhang pagpapabuti sa mga batas sa halalan at pagpapalawak ng mga karapatang bumoto nang higit sa iba pang mga estado. Ayon ito kay Shirley N. Weber, PhD, kalihim ng Estado ng California, na pinagtibay na ang tagumpay na ito ay napapalalim sa paghahandang isinasagawa upang ipagdiwang ang ika-60 na taong anibersaryo ng Voting Rights Act sa susunod na taon.
Ang makabuluhang batas na ito ay nagsimula ng makakalas sa mahabang kasaysayan ng panunupil, pananakot at pagtanggal ng karapatang naranasan ng higit na maraming mga Amerikano sa mga halalan sa maraming mga dekada.
Bago pagtibayin sa Disyembre 13 ang mga kinalabasan ng halalan sa taong ito, nagsagawa ang opisina ng kalihim ng ilang hakbang na matiyak na ang bawat boto ay mabilang. Tiniyak rin nila na ang ang pamamaraan ng pagbilang ng boto ay mapagkakatiwalaan at malaya sa anumang panghihimasok.
Upang makaabot sa huling araw nang walang sagabal, inatasan ng estado ng California ang lahat ng mga pamunuan ng halalan sa lahat ng mga 58 counties na ibigay ang kanilang opisyal na kinalabasan ng halalan noong Disyembre 6.
Ayon sa batas, ang bawat karapat-dapat na botante sa estado ay tatanggap ng isang vote-by-mail ballot. Ito ay titiyak na ang lahat ng mga rehistradong botante ay maisasagawa ang kanilang karapatang bumoto.
Dagdag pa ni Weber, kahit pa hinulog ang boto sa tinakdang drop-off box, bumoto sa pamamagitan ng koreo, o tuwirang bumoto sa isang polling center, ang mga boto ay ligtas at mapagkakatiwalaan. Lahat ng botante ay nakatanggap ng text message, email, o voice call notifications tungkol sa kinatatayuan ng kanilang mga sariling balota sa paggamit ng Where’s My Ballot?.
Ang mga balota ng mga taga-Californiang bumoto sa pamamagitan ng koreo ay napangalagaan din, ayon kay Weber. Ang United States Postal Service ay nakipagtambal sa Estado para matiyak na ang mga balota ay maihahatid sa tamang panahon. Ang lahat ng mga mailed-in ballots ay pinadadala sa pamamagitan ng First Class mail na may isang postage-paid envelope na inilaan sa bawat botanteng rehistrado.
Ang Election Security o Kaligtasan ng Halalan ang naging prayoridad ng estado ng California, ani Weber. Dagdag pa rito, ang California ay nagsagawa ng mga hakbang na pang-iwas upang makatiyak na ang teknolohiyang paghahalan ay mapanatiling ligtas at pinangangalagaan ang boto ng lahat.
Isa sa mga proyekto ng estado rin ang VoteCal, ang tanging centralized voter registration system ng estado. Ang pamamaraan ay palagiang updated o binabago at ginagamit ng mga counties upang mapatunayan ang mga lagda.
“Sa aking tungkulin bilang Kalihim ng Estado ng California, wala nang mas mahalaga sa akin kundi ang ipagtanggol ang ating demokrasya. Ako ay nangangakong pangalagaan ang mga karapatang bumoto, at pangunahan ang ating estadong itaguyod ang pinakamataas na pamantayang demokrasya sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga patakaran at kaugaliang mapagkakatiwalaan at maasahan ng mga taga-California at lahat ng mga Amerikano para sa mga panuto at pag-asa,” ayon kay Weber.
Maaari kayong makipag-ugnayan sa California Office of the Secretary of State sa 1-800-345-Vote o elections@sos.ca.gov para sa mga katanungan o upang mag-ulat ng mga kahinahinalang pangyayari o katiwalian. Ang mga karagdagang kaalaman ay makukuha sa www.sos.ca.gov at sa mga social media platforms ng tanggapan:
Instagram: @californiasos_
Facebook: Facebook.com/CaliforniaSOS
X: @CASOSVote
ADVT.
This article is brought to you by California Secretary of State.