BINALIKAN ni Sofronio Vasquez ang natanggap niyang motivational and inspiring message mula sa dating head judge ng “Tawag ng Tanghalan” na si Rey Valera.
Ito ay matapos siyang gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang Asian winner ng “The Voice” sa United States kamakailan lang.
Sa Instagram, shinare ni Sofronio ang edited video na ibinandera ng netizen na si @juan.cellable.
Mapapanood diyan ang journey ng singer mula sa pagiging contestant sa nasabing local singing competition ng “It’s Showtime” hanggang sa maging champion ng “The Voice” US Season 26.
Baka Bet Mo: Showtime binati si Sofronio Vasquez sa The Voice: Pangmalakasan ang Pinoy
Bukod diyan, makikita rin sa three-minute clip ang naging mensahe sa kanya ni Rey nang sumali siya sa “Tawag ng Tanghalan.”
Narito ang nakakaantig na sinabi ng legendary singer-songwriter and music director:
“You are your best friend. Ikaw ang mentor mo, sarili mo. Ikaw na rin ‘yung cheering squad mo.
“At kung hindi ka man ngitian ng Lady Luck ngayon, I’m sure dahil ‘yon sa alam niya na ikaw ang gagawa ng sarili mong swerte at hindi mo siya kailangan.”
“Because ‘yung ganyang klaseng tao, you will always find your way.”
Ang caption naman diyan ni Sofronio na makikita sa IG Story, “[holding back tears] Thank you, Lord.”
Bukod diyan, may ibinandera rin ni Sofronio sa IG ng ilang moments matapos manalo sa “The Voice” kasama ang kanyang coach na si Michael Bublé.
“Dreams really do come true,” caption niya sa IG.
May inilahad din siya sa isa pang post na, “Believe that you can, and manifest it with your whole heart.”
Kung matatandaan, taong 2016 nang unang sumali si Sofronio sa “Tawag ng Tanghalan ngunit hindi na siya nakapasok sa finals.
Nag-compete ulit siya noong 2017 at umabot lamang sa semifinals.
Taong 2019 nang bumalik siya sa noontime show upang sumali naman siya sa “TNT All-Star Grand Resbak” kung saan siya ay nagtapos bilang grand finalist.