Transman Jesi Corcuera nanganak na, kapiling na ang sariling anak

Transman Jesi Corcuera nanganak na, kapiling na ang sariling anak

Jesi Corcuera

ISA nang official parent ang dating “StarStruck” contestant at proud transman na si Jesi Corcuera.

Isinilang na kasi niya ang panganay na anak na tinawag niyang “Baby Ninja.” 

Sa pamamagitan ng Instagram Stories kahapon, December 11, proud na proud na ipinakita ni Jesi sa publiko ang picture ng kanyang baby girl na dumedede ng gatas sa isang feeding bottle.

PHOTO: Instagram Story/@corcuerajesi

Ang masayang balita ay ibinandera rin ni Boy Abunda sa kanyang talk show na “Fast Talk” kung saan nagkaroon ng guesting ang celebrity parent ilang buwan na ang nakakaraan.

Baka Bet Mo: Transman Jesi Corcuera binabatikos sa pagbubuntis, pero ayaw pumatol

Kung maaalala noong Oktubre, masayang inanunsyo ni Jesi ang kanyang pagdadalang-tao.

Sa isang interview, naikuwento ng transgender man ang matinding hirap at sakripisyo na kanyang pinagdaanan dahil sa kagustuhan niyang magkaroon ng sariling anak.

“Hindi siya biro. Financially, emotionally, mentally, lahat po talaga. Mas malala pa siya sa rollercoaster,” sey ni Jesi.

Nabanggit din niya na kinailangan niyang itigil ang pag-inom ng hormones para tumaas ang estrogen levels sa kanyang katawan na higit sa testosterone.

Bukod diyan, Ibinunyag din ni Jesi na isang foreigner na nasa Pilipinas ang naging sperm donor sa pagsailalim niya sa artificial insemination at hanggang ngayon ay nakakausap pa rin niya ang lalaki.

Sa mga hindi pa aware, si Jesi ay naging contestant sa “StarStruck: The Next Level” ng GMA 7 noong 2006 kung saan nakasama niya sina Kris Bernal, Aljur Abrenica, Paulo Avelino at Chariz Solomon.

Read more...