Showtime binati si Sofronio Vasquez sa The Voice: Pangmalakasan ang Pinoy

Showtime binati si Sofronio Vasquez sa The Voice: Pangmalakasan ang Pinoy

Sofronio Vasquez at Michael Bublé

IBINANDERA ng “It’s Showtime” family sa buong universe ang kanilang pagbati sa pagkapanalo ni Sofronio Vasquez sa “The Voice USA” Season 26.

Si Sofronio ay naging contestant muna sa “Tawag ng Tanghalan” segment ng Kapamilya noontime show bago itinanghal na kauna-unahang Filipino at first ever Asian grand champion ng American edition ng “The Voice.”

Tinalo ng 32-anyos na Filipino singer ang kanyang kasamahan sa Team Michael Bublé na si Shye, sina Danny Joseph ng Team Reba, Jeremy Beloate mula sa Team Snoop at Sydney Sterlace ng  Team Gwen.

Pinabilib niya nang bonggang-bongga ang buong mundo sa emotional rendition niya ng kanya ni Sia na “Unstoppable” at “A Million Dreams” mula sa “The Greatest Showman” musical film.

Baka Bet Mo: ‘Hakot Queen’ Pauline Amelinckx malakas ang laban sa Miss Universe PH 2023; Michelle Dee masungkit na kaya ang inaasam na korona?

Nagwagi si Sofronio ng $100,000 cash prize at record deal with the Universal Music Group kung saan nakakontrata ang mga international artists tulad nina Taylor Swift, Alicia Keys, Harry Styles at Adele.

Sa official Facebook page ng “It’s Showtime” makikita ang artcard na may litrato ni Sofronio kalakip ang pagbati sa kanyang makasaysayang pagkapanalo sa “The Voice.”


“PANGMALAKASAN ANG BOSES NG PINOY!”

“Congratulations, Sofronio Vasquez, our #ItsShowtime and #TawagNgTanghalan alumnus, on becoming the first Filipino and Asian to win the Grand Champion title in #TheVoice USA Season 26.

“WE ARE PROUD OF YOU, KAPAMILYA!” ang buong mensahe ng Kapamilya nootime programa sa kanilang social media post.

Matatandaang lumaban si Sofronio sa “Tawag ng Tanghalan” noong 2019 kung saan umabot siya sa semifinals at naging third placer.

Kasunod nito, nag-release rin siya ng mga kanta kabilang na ang “Bakit Hindi Ko Sinabi,” “Bililhon,” at “Mahalaga.”

Nitong September, 2024, sumabak sa blind audition ng “The Voice USA” ang Pinoy singer kung saan apat na coach ang umikot during his performance, sina Snoop Dogg, Michael Bublé, Reba McEntire at Gwen Stefani.

Read more...