Yasmien Kurdi nag-sorry sa anak na biktima ng bullying sa school

Yasmien Kurdi nag-sorry sa anak na biktima ng bullying sa school

HUMINGI ng tawad ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi sa anak na si Ayesha matapos itong ma-bully sa pinapasukang private school.

Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi nito ang pinagdaanan ng anak mula sa mga estudyante sa pinapasukang paaralan.

“Today, my daughter was targeted by a group of students in her class because she was unable to keep up with group messages about their upcoming Christmas party while we were out of the country,” panimula ni Yasmien.

Pagpapatuloy niya, “Surrounded by 7-9 students, Ayesha was blocked from leaving the classroom and was denied her food and recess! In other words she was ganged up on.”

Baka Bet Mo: Yasmien Kurdi sinugod sa ER matapos magkasakit ang anak, anyare?

“Ayesha took a vacation to relieve the stress caused by another students who harassed her by taking video without her consent. This caused her paranoia and anxiety,” pagbabahagi ni Yasmien.

Sey ng aktres, bata pa ang kanyang anak para maranasan ang ganitong klase ng pambubully.

“Ayesha is just a kid; she recently turned 12. And she has been enduring this type of bullying since grade 2, alarmingly this has led to the creation of an online ‘AYESHA HATE CLUB’ targeting her.

“For some reason, some of these students are now in her class,” dagdag pa ni Yasmien.

Hindi na nga rin nagtaka si Yasmien nang sinuportahan ng mga parents ng nambu-bully kay Ayesha ang kanilang mga anak.

“I am not surprised that the parents of bullies come to their rescue. However, twisting events and claiming it was a regular student meeting and questioning back my daughters behavior is absurd.

“Mind you, these are mostly girls, if not all. Gusto mo ba gawin ito sa anak mong babae?” sabi pa ni Yasmien.

Sa hiwalay na post ay nag-sorry ang aktres sa anak.

“I’m so sorry, Ayesha. You have to go through all of this because I am your mom. But I will always be here for you. I will protect you with all my life. You are beautiful inside and out,” pahayag ni Yasmien.

Marami naman ang nagpaabot ng suporta para sa mag-ina na kapwa mga magulang na rin na nakakaintindi sa sitwasyon.

Ang malungkot pa rito ay nalaman lang ni Yasmien ang pambu-bully sa anak matapos mag-report ang pamunuan ng paaralan thru email at marahil ininda ng anak mag-isa ang ginagawa sa kanya ng mga kaklase.

Wala pang detalye mula sa aktres kung ano ang ginawang aksyon ng paaralan patungkol dito.

Read more...