HINANGAAN ng mga netizens ang content creator na si Davao Conyo o Philip Hernandez sa totoong buhay dahil sa hindi nito pagsali sa hype ng Maris Racal-Anthony Jennings issue.
Isang netizen kasi ang nag-request rito na gawan ng content o parody amg lumabas na isyu ng Kapamilya actress matapos maglabas ng screenshot ni Jam Villanueva ng intimate convo nila ni Anthony Jennings.
“Make entry for Maris Issue please. Hahahah. Looking forward ,” request ng netizen kay Davao Conyo.
Baka Bet Mo: John Arcilla kay Maris Racal: We LEARN our lessons in many ways
Imbes na pagbigyan ay kinontra ng content creator ang netizen at pinagsabihan itong hindi magandang gawing katatawanan ang hinagpis ng iba.
“Ante hindi maganda yang pinagtatawanan ang may pinagdadaanan. Sana di mo ma experience ,” pahayag ni Davao Conyo.
“Making fun of others for the sake of quick views is one of the lowest form of content. It’s lazy and malicious,” dagdag pa niya.
Naiintindihan naman ni Davao Conyo na paminsan ay pinagaan ang sitwasyon sa pamamagitan ng pagpaptawa pero hindi ito maganda kung ang plano ay i-target ang tao dahil sa nagawa nitong pagkakamali.
“Gets ko when me make things lighter through humor, or when we make other people accountable of their actions especially people in power. [But] when it’s specifically targeted towards someone who made a mistake (and mind you, we all do!) it’s off-putting.
“Shaming a mistake is different from shaming an evil person,” giit ni Davao Conyo.
“[These] type of people who take advantage of other people’s shame will do the same to you if you were in the same situation, so be very careful around them,” dagdag pa niya.
Agad ngang nag-trending at hinangaan si Davao Conyo sa X (dating Twitter).
“Hindi ako nagkamali sa sinusuportahan kong content creator,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Down to earth talaga davao conyo. That’s why, I love him!”
“In situations like these, you can clearly recognize people with genuine intelligence, high EQ, and class…not just someone pretending to be smart while desperately chasing clout,” sey pa ng isa.