AWARE raw ang Filipina-French athlete na si Emilienne Vigier sa nangyaring MOMOL (make put make out lang) sa pagitan ng rumored boyfriend niyang si Joshua Garcia at ni Elisse Joson noong nagdaang Star Magical Christmass Ball.
Ayon kay Ogie Diaz, alam raw ng dalaga ang nangyari at inaayos ang relasyon nila ngayon ni Joshua.
“Alam mo, aware dito ‘yong girl [Emillienne]. Kumbaga, pilit inaayos ito ng girl naman. So, baligtad ‘no? ‘Yong kina Jamela, Anthony, at Maris, ito naman kay Joshua pilit inaayos ng girl.
“Sana hindi umabot sa pisikalan ‘pag nagkita si Joshua at si McCoy De Leon. Anyway, aabangan natin ‘yang mga kaganapan dyan.”
Baka Bet Mo: Emilienne Vigier apektado sa JoshLia movie: This deserves an award!
Dagdag pa niya, “Basta ang importante maisip ng mga taong involved sa isyung ito na malapit na ang Pasko. At sana ay kahit man lang this year magkaayos sila.”
Samantala, sa ngayon ay wala pa namang kumpirmasyon si Emilienne at Joshua hinggil sa tunay na estado ng kanilang relasyon sa kabila ng mga ilang pa-soft launch ng isa’t-isa sa Instagram.
Bukod rito, nananatili pa ring tahimik ang kampo nina Joshua at Elisse kung may katotohanan ba ang kumakalat na isyu.
Matatandaang mula pa noong June 2023 ay iniintriga na sina Emilienne at Joshua kung magdyowa nga ba sila dahil na rin madalas silang mapansin ng mga netizens na magkasama.
Samantala, si Elisse naman ay in a relationship sa Kapamilya actor at dating member ng Hashtags na si McCoy de Leon. Sila ay may anak na si Felize McKenzie.
Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag nina Emilienne, Joshua, Elisse, at McCoy hinggil sa isyu.