Atty. Joji Alonso umamin, ‘Espantaho’ pinakamahal na na-produce

Atty. Joji Alonso umamin, 'Espantaho' pinakamahal na na-produce

GUSTONG maka-trabaho ni Quantum producer Atty. Joji V. Alonso ang nag-iisang Vilma Santos sa ibang project.

“Ate Vi is a very good person, a very good actress and why will I say no to a person like that? It’s always a privilege and great opportunity, “ ito ang diretsong sabi ni Atty. Joji nang makausap namin sa mediacon ng Espantaho nitong Lunes, Disyembre 9.

Ipinaliwanag naman din ni Ms Vilma Santos sa nakaraang media launch ng pelikulang Uninvited na kaya hindi siya natuloy ay dahil nagkaroon daw ng problema sa role niya.

To quote ate Vi, “Nag-meeting naman ako dun. Ang nangyari lang kasi, nagkaroon ng problema sa character na gagampanan ko. ‘Yun lang ‘yon pero inayos naman.

Baka Bet Mo: Nadine, Vilma aminadong na-challenge sa ‘Uninvited’: ‘Sobrang extreme!’

But I will be honest. While meeting sa movie, I’ll say it, Espantaho, I was also meeting with direk Dan (Villegas) regar­ding the movie Uninvited.

“The last thing coz they were prepa­ring for the movie of course, excited din ako to do the movie with Judy Ann (Santos). I love Judy Ann. Habang inaayos ang movie, nalaman ko na sinabmit ang script sa first para sa MMFF. Unfortunately, hindi napasok sa first 5. Hindi napasok.

“It was also Atty. Joji who told me, go ahead to do the one with Direk Dan because he is also my son. Sabi ni Atty. Joji, ‘do it and I will watch that movie!’ So dun ho lahat nanggaling ‘yon!”

Wala namang nabanggit si Atty. Joji kung nagkita na sila ni Ms Vilma Santos after that incident.

Samantala, si Lorna Tolentino ang pumalit kay ate Vi sa “Espantaho” bilang nanay ni Judy Ann Santos at kinumusta kay Atty. Si LT sa karakter niya.

“Wala akong masabi, in character mula pagdating (set) hanggang sap ag-uwi, ha, ha, ha. She really prepared for the role.

“Siguro mas challenging sa kanya kasi ‘she’ was the second choice, so, kailangan niyang ipakita na she can do good (at) binigay naman niya ng husto wala naman akong naging problema wala akong nagging problema in any artist takot silang lahat kay Direk Chito (Rono) at mas maaga pa silang (artist) dumating,”masayang kuwento ng Quantum producer.

Unang beses maka-trabaho ni Atty. Joji si direk Chito na sumakto pa sa pagdiriwang ng 20 years ng Quantum Films, Inc kaya masaya ang una dahil maganda ang kinalabasan ng Espantaho at PG 13 pa ang ibinigay na rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kaya ang saya-saya ng lahat na kasama sa pelikula.

“Para akong bagong producer na napapa-mangha talaga (kay direk Chito), ‘yung shots niya, ‘yung naiisip niyang treatment na hindi ko naisip (director din si atty. Joji) ‘yun ah,” diin niya.

Pagdating sa script ay nagsumite raw si Chris Martinez (director din sa pelikula) at nagbigay si direk Chito ng mga komento at si atty Joji ay nagbigay din ng kanya at inaming naka-apat silang revisions sa script.

“Even during the shoot itself, ang daming nabago, ang daming nadagdag ha, ha, ha totoo ‘yun! May mga eksenang pinalitan niya (direk Chito) at mas nakakatakot kaya alam niya talaga kung ano ang material niya,” esplika ni atty. Joji.

Natanong din kung producer si Judy Ann o industrial partner sa Espantaho.

“She really invested money, tatlo kaming producer, si Mayor Roque (Enrico- Cineko), hindi lang ako at liberty to say ‘yung mga percentages namin, ‘wag na lang ‘yun. Were three, Cineko, Purple Bunny at Quantum,”esplika ni atty Joji.

Pabor din siya sa nauusong co-producer na rin ang mga artista sa mga proyektong ginagawa nila.

“It’s something good for the artists kasi nabibigyan ka ng chance tapos ikaw din mismo hindi ka lang artista, you’re also a producer.

“Tulad nitong presscon na ito hands-on kami tumulong talaga sa amin si Mother Biboy (Arboleda-manager ni Juday) for several weeks (meeting) kung ano gagawin natin, to offer something different,” pahayag pa ni atty Joji.

Napuri rin ng media ang magandang takbo ng presscon dahil nagkaroon ng junket sa bawa’t table kaya nakausap nila ang lahat ng artist ana naglaan din ng oras para sa lahat dahil nagpapasalamat sila sa suportang ibinibigay sa Espantaho.

“’Kasi kayo pinababa ninyo ang mga artista sa press, ‘yung iba pinatatakbo, ha, ha,” komento ng ilang media editors and writers.

Sagot ni atty, “kasi mas practical ito, mas magwo-work ito, mas efficient.”

Hirit pa ng media, “mas maganda ang output!”

Anyway, inamin din ng abogadang producer na ito ang pinakamahal niyang pelikula na umabot sa P70M na talagang nanginig siya at hiningi niya ang tulong talaga ng Cineko at kinausap nila si Juday pumayag itong mag-invest.

Mapapanood ang Espantaho sa Disyembre 25 bilang kasama sa 50th Metro Manila Film Festival handog ng Quantum Films, Inc, Purple Bunny at Cineko Prodcutions.

Ang ibang kasama nina Judy Ann Santos at Lorna ay sina Janice de Belen, Mon Confiado, JC Santos Nico Antonio, Donna Cariaga, Kian Co, Tommy Abuel, Archie Adamos at Eugene Domingo.

Read more...