Lolit Solis ‘nakisawsaw’ sa isyu nina Maris at Anthony, may hugot pa sa EX

Lolit Solis ‘nakisawsaw’ sa isyu nina Maris at Anthony, may hugot pa sa EX

Anthony Jennings and Maris Racal, Jam Villanueva

NAIS ding makisawsaw ng talent manager at kolumnistang si Lolit Solis sa isyu nina Maris Racal, Anthony Jennings, at Jam Villanueva.

Kaya naman, ibinandera niya sa isang Instagram post ang kanyang sariling opinyon at mensahe sa dalawang dalaga.

“Nagtataka ako bakit siya affected sa issue, actually siya ang bongga dahil parang precious gem siya na pinag-aagawan,” sey niya na pinatatamaan ang aktres.

Ayon pa kay Manay Lolit, kung sa tingin ni Maris ay tama ang kanyang ginawa, dapat ay panindigan niya at hindi maging apektado sa mga namba-bash sa kanya.

Baka Bet Mo: Anthony pinagsabay si Maris at Jam? ‘I asked him so many times!’

Pero paglilinaw naman niya, “Kung meron kang mali, ikaw lang ang pwedeng magtama nito. Walang pakialam ang iba. Hayaan mo ang pagra-rant ng EX dahil past na siya sa story mo.”

Kasunod niyan ay tila may naging hugot din siya sa ex-girlfriend ni Anthony na si Jam.

Inilarawan pa nga niya ang dating dyowa na “feeling bitter” at “dapat tumahimik na dahil wala na siya sa istorya.”

“No looking back dapat ang mantra mo pag EX ka na, move on ka na,” mensahe niya.

Patuloy pa ng talent manager, “Nakakawala ng pride iyon wala ka na sa eksena sumasali ka pa. Hindi siya bongga, ‘di ba Salve, Gorgy at PatP? Move on na [crying emoji]”

Matatandaang noong December 6, binasag na nina Maris at Anthony ang kanilang katahimikan tungkol sa “cheating issue” na kanilang kinasasangkutan matapos ibandera ni Jam ang ilang screenshots ng conversation ng on-screen partners.

Inamin ni Maris na naging mahina siya ‘nung mga panahon na nagkakamabutihan sila ni Anthony, pero nilinaw niya na hindi siya aware na magdyowa pa rin ang aktor at si Jam.

Ilang beses na raw kasi siyang nagtanong kay Anthony kung nagkabalikan sila ni Jam bilang nauna nang sinabi ng aktor na wala na sila ng girlfriend.

Si Anthony naman ay todo sorry sa dalawang babae at inako ang kanyang pagkakamali.

Habang si Jam ay wala pa ring komento o inilalabas na reaksyon matapos ang official statement ng on-screen partners.

Read more...