EMOSYONAL si Shaira Diaz matapos mabigyan ng parangal for the first time.
Kinilala siyang “Female Makabata Stars” ng Anak TV Seal Awards 2024 kamakailan lang.
Sa Instagram, proud na proud na ibinandera ng aktres ang ilang moments ng pagtanggap niya ng tropeyo.
Inamin din ni Shaira na hindi siya makapaniwala na bibigyan siya ng parangal mula nang maging aktres noong 2012.
“A pinch-me moment!!! [holding back tears emoji] My very first award since I started my career in 2012!!! Nakakaiyak…ang saya-saya ng puso ko ngayon,” bungad niya sa caption.
Patuloy niya, “Hindi ko akalain na darating ang pagkakataon na ito. Wahhh [crying emoji] Maraming, maraming salamat po sa @anaktvinc for this recognition—Female Makabata Star 2024 for Television at the Anak TV Seal Awards!! Salamat din po sa jury!”
“This will serve as my inspiration to do better in my work and continue to be a role model for the youth [ heart hands emoji],” wika pa niya sa post.
Bukod sa Kapuso network at talent agencies, pinasalamatan ni Shaira ang mga sumusuporta sa kanya, lalo na ang kanyang pamilya.
“Thank you also to my supporters, my friends, and family—especially my mom and dad, and my love, @ea_guzman. Para sa inyo ito! [red heart emoji],” wika niya.
Aniya pa, “Thank you, Lord Jesus! To God be the glory! [folded hands emoji]”
Para sa mga hindi aware, ang Anak TV Seal Awards ay taon-taong ginaganap upang kilalanin ang ilang television programs at personalidad na child-friendly and child-sensitive.
Si Shaira ay magbabalik primetime sa upcoming second season ng action-adventure series na “Lolong: Bayani ng Bayan” kung saan muli niyang gagampanan ang papel bilang si “Elsie,” ang childhood friend at fiancée ni “Lolong” na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.