HINDI na nakapagpigil at talagang binengga ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ang isang netizen na nam-bash sa kanya kamakailan lang.
Hindi na namin makita ‘yung post ng nasabing basher, pero dahil nag-viral ito ay marami ang nakapag-screenshot at nag-repost sa social media.
Nag-viral sa X (dating Twitter) ang reaksyon ng nasabing netizen kaugnay sa “We listen and we don’t judge: Regine Velasquez edition” na ang komento niya ay: “[Love] niya [lang] fans niya pag concert [season].”
Naging agaw-pansin ‘yan sa batikang aktres at talagang tinalakan niya ang epal na basher.
“When did I ever ask you for something I need?? Did I ask you for money?” bungad ni Regine.
Baka Bet Mo: Regine Velasquez ‘di na keri makipagsabayan sa mga batang singers
Ayon sa kanya, totoong nag–iimbita siya sa fans sa tuwing may concert at bagong single na ilalabas, ngunit hindi naman niya ito pinipilit na manood o makinig.
Dagdag niya, “Hindi kita pinipilit. Kung ayaw mo walang problema sakin. Hindi rin naman kita pinilit na hangaan ako. YOU decided to do that I didn’t ask you to.”
“But you saying these things as if ikaw ang bumubuhay sakin, ano ‘yun?? You have so much expectations of me you don’t even know me personally,” wika pa ni Regine.
Aniya pa, “You just think you know me but you don’t. God bless you.”
When did I ever ask you for something I need?? Did I ask you for money? I invite you to watch my concerts sure but I’m not forcing you too. I ask if you can listen to my songs which are practically free hindi kita pinipilit kung ayaw mo walang problema sakin. Hindi rin naman kita…
— regine alcasid (@reginevalcasid) December 7, 2024
Sa comment section, maraming fans ang nagpaabot ng suporta para kay Regine, lalo na ang kanyang mister na si Ogie Alcasid na ang sabi ay, “Baba, i love you [red heart emojis].”
Narito naman ang ilang nabasa namin mula sa ilang netizens:
“We love you ate, nandito lang kami para sayo [heart hands, happy face with heart eyes emojis]”
“Love you so much Ate Reg [heart hands, red heart emojis] hayaan na ang mga basher na ‘yan basta ako naka-support kahit saan man [heart hands, red heart emojis].”
“Hi Ate buti pa po mga bashers niyo nirereplyan niyo. Swerte nila! Wag niyo nalang po sila pansinin. Sa mga positive comments lang po kayo magreply. I love you Ate always & forever.”
“I LOVE YOU ATE [red heart emoji] kulang lang sa aruga yung ganyang people.”