NAPANATILI ng ating pambato na si Alyssa Redondo ang decade-long placement streak sa Miss Intercontinental 2024!
Siya kasi ang itinanghal na second runner-up sa final competition na ginanap sa Egypt noong December 7, oras sa Pilipinas.
Bukod diyan, nakuha rin ni Alyssa ang “Power of Beauty” at “Best in Swimsuit” awards.
Baka Bet Mo: Piolo Pascual may ‘religious’ streak; tuloy-tuloy pa rin ang swerte
Samantala, ang kinoronahan sa nasabing international pageant ay ang panlaban ng Puerto Rico na si Maria Cepero.
Nakapasok siya sa final round matapos tanggapin ang “People’s Choice” award.
Si Maria ang fourth winner ng kanilang bansa na kung saan ang kauna-unahang kinoronahan sa kanila ay si Elizabeth Robinson noong 1986.
Sinundan siya ni Maydelise Columna noong 2010 at si Heilymar Rosario Velasquez in 2016.
Anyway, ang hinirang na first runner-up this year ay mula Venezuela na si Georgette Musrie Efesla.
Ang naging third runner-up naman ay si Bui Khanh Linh ng Vietnam.
Sa ngayon, ang Pilipinas ay mayroong dalawang korona sa Miss Intercontinental pageant na naiuwi ng Binibining Pilipinas queens na sina Karen Gallman (2018) at Cinderella Faye Obeñita (2021).