NAG-PROPOSE na ang actor-comedian na si Jose Manalo sa kanyang longtime partner na si EB Babe Mergene Maranan.
Sa Instagram video na ibinahagi ni Mergene noong Biyernes, December 6, mapapanood ang aktor na nasa lobby at kumakanta ng “Ikaw” ni Yeng Constantino.
May kasa-kasama pa ngang gitarista, sax player at cameraman si Jose na nakasunod sa kanya hanggang sa makarating sa lugar kung saan makikitang naroon si Mergene.
Napuno ng tilian ng mga tao na nasa establisyimento na kinikilig sa mga nangyayari.
Tumigil naman si Jose sa pagkanta at paglalakad.
“Ano iyan? Ano iyan? Totoo?” pasigaw na tanong mi Mergene.
Walang sagot mula kay Jose kaya naman muli siyang nagtanong kung totoo ba ang kanyang nasa isip at nilapitan si Jose.
“Luh, nahihiya ako!” sey pa ni Mergene.
Muli ay itinuloy ni Jose and pagkanta nang magkatapat na silang dalawa.
“Joke lang ‘to,” sabi pa ni Mergene.
Sagot naman ni Jose, “Alam mo naman, kilala mo na ako noon. And now and forever.”
Kasunod nito ay inilabas na niya ang tinatagomg engagement ring sa bulsa at lumuhod sa harap ng partner.
“Puwede ba kitang pakasalan?” sabi ni Jose habang hawak ang singsing.
“Yes,” mabilis na sagot naman ni Mergene.
Maririnig naman ang sigawan at hiyawan ng mga tao sa paligid pagkasuot ni Jose ng singsing kay Mergene.
“Congratulations!” sabay-sabay na bati sa kanila ng mga nakasaksi ng proposal.
Magpasalamat naman si Jose sa mga ito.
Makikita namang may pagka-shy pa si Mergene sa nangyayari.
Binigyan naman siya ng bulaklak ni Jose kasunod ang mga salitang “I love you. Mahal na mahal kita.”
Nagkakilala ang dalawa sa longest running noontime show na “Eat Bulaga”.