BINASAG na rin ng Kapamilya actor na si Anthony Jennings ang kanyang katahimikan hinggil sa kinasasangkutang cheating issue kasama ang ka-love team na si Maris Racal.
Sa inilabas na video ng ABS-CBN News ay makikita ang aktor na naghahayag ng kanyang public apology hinggil sa kontrobersyang kinabibilangan.
“Sa lahat ho ng mga nangyari noong nakaraan araw, sa lahat po ng taong nasaktan ko, especially po si Maris tsaka si Jam,” saad ni Anthony.
Pagpapatuloy pa niya, “Humihingi po ako ng tawad sa dalawang babae and sa lahat po ng mga nadamay ko rin po. ‘Yun lamang po, sorry po ulit.”
Baka Bet Mo: Maris Racal sa pagpatol kay Anthony Jennings: Nagkamali ako and sorry
Tumagal lamang ng 22 seconds ang statement ni Anthony at tanging paghingi lang ng tawad ang ginawa nito at wala nang iba pang ibinahagi tungkol sa isyu.
Bago ang paglalabas ng apology ng aktor ay una nang binasag ni Maris ang katahimikan hinggil sa isyu at inilabas ang bersyon niya ng kanyang istorya.
Amin ng aktres, nagkamali siya at nahulog siya kay Anthony dahil na rin sa madalas nilang pagsasama sa trabaho.
At dahil nga may pinagdaraanan at vulnerable siya ay mas lalo siyang nahulog sa binata na ang alam niya ay single at hiwalay na sa kanyang longtime girlfriend.
Wala namang inilabas na paglilinaw si Anthony patungkol sa isyu sa ngayon at tila inaako nito nang buo ang kanyang nagawang pagkakamali.