HASHTAG “Couple Goals” talaga ang magdyowang Cristine Reyes at Marco Gumabao na solid na solid pa rin ang relasyon hanggang ngayon.
In fairness, kasal na lang talaga ang kulang sa dalawa dahil palagi na nga silang magkasama sa mga showbiz happening at iba pang events.
Tulad na lang sa naganap na 50th Metro Manila Film Festival Celebrity Golf Tournament na isinagawa sa Wack Wack Golf & Country Club last December 3, kung saan pareho silang nag-participate.
Nakachikahan ng BANDERA sina Marco at Cristine sa naturang event at kitang-kita namin ang sobrang pagmamahal nila sa isa’t isa. Pareho silang fresh na fresh kaya biniro namin na magaling silang mag-alaga sa isa’t isa.
Kinumusta namin si Marco tungkol sa relationship nila ngayon ni Cristine, “Okay na okay kami, going strong, nearing two years. Masaya, masaya!”
Baka Bet Mo: Cristine Reyes binasag ang katahimikan, ‘di pa hiwalay kay Marco
Tinanong namin si Marco kung anu-ano pa ang nadiskubre nila sa isa’t isa, “Everyday is a new discovery for each other. Of course, it’s a new opportunity for us to love each other more.
“But siyempre may mga days na hindi kayo agree sa mga bagay-bagay, pero yung mga ganu’ng bagay it’s what makes the relationship stronger,” sabi pa ni Marco.
Sa isang panayam, sinabi ni Marco na napag-uusapan na rin nila ni Cristine ang pagpapakasal, “Of course, we’ve been talking about our future together. The details, konti-konti lang, pero ‘yung mas longer (view), ‘yun ‘yung napag-uusapan namin.”
Samantala, enjoy na enjoy nga sina Cristine at Marco sa paglalaro nila sa matagumpay na 50th Metro Manila Film Festival Celebrity Golf Tournament. Naroon si Cristine para sa entry nilang “The Kingdom” starring Vic Sotto and Piolo Pascual.
Ang iba pang celebrities na sumali sa golf tournament at sina Cesar Montano, Epi Quizon, Atoy Co, Paolo Paraiso, Jayson Gainza, Christian Bautista, Mitoy Yonting, Vince Hizon, Patricia Bermudez Hizon, Daisy Reyes, Neil Arce, LA Tenorio at marami pang iba.
The tournament teed off with a ceremonial drive led by MMDA and MMFF Concurrent Chairman Romando Artes and San Juan Mayor Francis Zamora, marking the start of the afternoon game. Players from all over the entertainment and business sectors participated, showcasing camaraderie and support for the MMFF’s enduring legacy in Philippine cinema.
“The tournament is part of the promotional activities of the MMFF’s 50th edition and at the same time a fund-raising event.
“Proceeds of the tournament will go to the MowelFund (Movie Workers Welfare Foundation) and a nonprofit and nonstock organization founded by First Lady Liza Araneta Marcos, which aims to showcase and promote the Filipino films in the international scene,” ang pahayag ni Artes.