MAGING ang Unkabogable Star na si Vice Ganda ay tila updated sa mga showbiz chika na may kaugnayan sa trending issue ngayon sa pagitan nina Maris Racal at Anthony Jennings.
Sa episode ng “It’s Sowtime” ngayong araw, December 4, bago ang simula ng kanilang segment na “And the Breadwinner is…” ay binati muna nila ang madlang pipol.
“Madlang pipol! So ano na nga? Ano nang plano n’yo sa sa darating na Pasko? Magplano na kayo para sa Pasko. Hindi ‘yung basa kayo ng basa ng mga ganap sa Twitter! Oh my God!” tanong ni Vice sa audience.
Baka Bet Mo: ‘Panloloko’ nina Anthony Jennings, Maris Racal bistado, Jam naglabas ng resibo
Dagdag pa ni Vice, “Magplano kayo sa Pasko, hindi yung hindi kayo tumatayo, laging abang na abang, mga puyat na puyat. Kilos-kilos tayo o.”
Sinagot naman siya ni Kim Chiu at tinanong kung ano ang meron sa Twitter.
Hindi naman direktang binanggit ni Vice ang isyu nina Maris at Anthony na kilala sa tambalang “SnoRene” bagkus ang isyu ngayon sa South Korea ang kanyang pinatungkulan.
Matatandaang bago ang mga pasabog na screenshots na inilabas ni Jam ay inanunsyo ng South Korean President na si Yoon Suk Yeol ang emergency martial law sa kanilang bansa.
“Hindi siyempre inabangan natin yung mga nangyayari sa, dahil siyempre ang anak ko ay si Ryan Bang,” sagot ni Vice.
“Mas aligaga ako sa kanya ha? […] We’re very happy that Ryan’s mom and dad are both safe,” pagpapatuloy niya.
Anyway, magkasama sa 2024 Metro Manila Film Festival entry na “And The Breadwinner Is…” na ipapalabas sa araw ng Kapaskuhan.