Romando Artes tagumpay sa 1st Celebrity Golf Tournament, Neil Arce iwas sa media?

Romando Artes tagumpay sa 1st Celebrity Golf Tournament

SUCCESSFUL ang unang Celebrity Golf Tournament project ni MMDA/MMFF Chairman Romando Artes para sa pagdiriwang ng 50th Metro Manila Film Festival na ginanap sa Wack-Wack Golf and Country Club, Mandaluyong City nitong Martes, Nobyembre 3.

Sina Chairman Artes at San Juan City Mayor Francis Zamora ang unang nagpakitang gilas na pumalo bilang go signal sa mga manlalarong artistang may entry sa 2024 MMFF.

Namataan ang celebrity couple na sina Cristine Reyes at Marco Gumabao na naglaro bilang suporta sa nasabing event at kasama ang aktres sa pelikulang The Kingdom handog ng MQuest Ventures Inc, M-ZET TV Productions, and APT Entertainment Inc.

Ang iba pang nakita naming naglaro at binati namin ay sina Jayson Gainza, Atoy Co, Epi Quizon, Paolo Paraiso, Christian Bautista, Mitoy Yonting, Cesar Montano.

Naroon din sina Vince Hizon at asawang si Patricia Bermudez Hizon, dating beauty queen/aktres turned entrepreneur na si Daisy Reyes, at La Tenorio.

Hindi namin nakita si Neil Arce na isa rin daw sa guest kaya’t hinanap naming siya kasama ang aming patnugot sa BANDERA na si Ervin Santiago pero hindi siya nakita, para sana kumustahin ang asawang si Angel Locsin.

Hmm, mukhang umiwas sa media si Neil?

Anyway, ayon kay Chairman Artes ay nagagalak siya sa outcome ng event bilang parte na rin ng promo ng sampung pelikulang kasama sa 50th Metro Manila Film Festival dahil nag-participate ang mga artista at naroon din ang mga producers isa na si Bryan Diamante ng Mentorque Productions para sa pelikulang Uninvited.

Aniya, “The tournament is part of the promotional activities of the MMFF’s 50th edition and at the same time a fund-raising event. Proceeds of the tournament will go to the MowelFund (Movie Workers Welfare Foundation); and a nonprofit and nonstock organization founded by First Lady Liza Araneta Marcos, which aims to showcase and promote the Filipino films in the international scene.”

At dahil sa gabi pa ang awarding ng mga nanalo at maituturing na big night kaya ang ilan sa mga celebrities ay umuwi muna ng kani-kanilang mga bahay para matulog dahil as early as 4AM ay naroon na sila sa Wack-Wack golf course sabi ni Jayson.

Ang naging host naman nu’ng gabi ay si Enchong Dee na kasama naman sa pelikulang Topakk handog ng Nathal Studios at ang Reo Brothers band naman ang special guest.

Pinasalamatan naman ni Chairman Don Artes ang mga sponsors nila sa kanilang project tulad ng GSIS, PAGCOR, PCSO, ISWIMS, Phileco, Agyaman Smoked Meats, Angkasangga Partylist, Boysen, Cignal, CMB, Converge, CWS Partylist, Easy Life, Haws Health and Wellness Shop, InfiniVan, Infobahn, Insuplus, Leonel Waste Management, Manila Teachers Partylist, Maynilad, Mowelfund, Playtime, PowerUp, Remedi, Shantal’s Beauty and Wellness Products, STX CleanLeaf, TV5, Woodfields Consultant Inc., at Yakult.

Samantala, mapapanood ang 10 pelikulang kasama sa 50th Metro Manila Film Festival simula sa December 25 hanggang January 7, 2025.

Read more...