NAGTATAKA ang ilang taga-showbiz na nakakaalam ng tunay na nangyayari sa buhay ng kilalang aktres dahil kung anu-ano ang ikinakalat nito tungkol sa bagong karelasyon ng kanyang ex-boyfriend.
Matagal na palang hiwalay si aktres sa non-showbiz boyfriend niya marahil ay hindi na natagalan ang kanyang ugali at bago naman nagkaroon ng bagong girlfriend ang guy ay months na ang binilang kaya anong problema ng aktres?
Tsika ng aming source, “natatawa na nga lang sina (ex-boyfriend at bagong gf) kasi may pinalulutang daw si (aktres) na never silang hiwalay at ‘yung bagong dyowa raw ng guy ay wala lang kasi siya ang original na dyowa.”
Baka Bet Mo: Kilalang aktres nagdemanda matapos maloko at mawalan ng milyones
May ilan kaming non-showbiz friends nan aka-tsikahan na malapit sa bagong girlfriend ng guy at sabi nito ay sobrang tahimik at maayos ang buhay nila kaya wala silang panahon na patulan ang mga isyu ng aktres as in hindi ito nage-exists na buhay nila.
Si aktres ay walang projects kaya siguro bored sa buhay kaya kung anu-ano ang naiisip nito.
“Dapat bigyan ng projects ng network kung saan siya connected para manahimik. Sayang mahusay pa naman siya sa craft niya,” say ng aming source.
* * *
MTRCB, binigyan ng angkop na klasipikasyon ang mga pelikula para sa huling linggo ng Nobyembre.
Inilabas na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga bagong pelikula na nakatanggap ng angkop na klasipikasyon ngayong huling linggo ng Nobyembre.
Ang “Moana 2” ng Disney ay rated G para sa lahat ng manonood. Ang Filipina singer at aktres na si Belle Mariano ang kumanta ng Tagalog na bersyon ng “Beyond” o “Anong Daratnan,” isang special end-credit na musika para lamang sa Pilipinas.
Rated PG naman ang “Huwag Mo ‘Kong Iwan” na pinagbibidahan nina Rhian Ramos, JC De Vera at Tom Rodriguez, at “Idol: The April Boy Regino Story,” na tungkol sa buhay ng kilalang mang-aawit na si April Boy na nagpasikat ng mga kantang “Hindi Ko Kayang Tanggapin” at “Umiiyak ang Puso.”
PG rin ang klasipikasyon ng “The Quintessential Quintuplets Specials 2” na mula Japan; “Here” mula Pioneer Films, at “Baekhyun: Lonsdaleite” na isang concert movie tungkol sa kilalang K-pop superstar na si Baekhyun. Dahil sa tema at lengguwahe ng mga nasabing pelikula, kailangan kasama ang magulang or nakakatanda ang mga batang edad 12 at pababa sa loob ng siinehan.
Rated R-16 o Restricted-16 naman ang “Shutter” mula Thailand. Ibig sabihin, ito ay para lamang sa mga edad 16 at pataas dahil sa tema, lenggwahe at karahasan.
Patuloy naman ang paalala ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio sa mga magulang at nakakatanda na gabayan ang mga batang manonood sa tamang interpretasyon ng mga eksena sa pelikula.
“Bagamat walang pisikal na panganib ang mga pelikula, kailangang maging handa lagi ang mga magulang at guardians para ipaliwanag sa ating mga kabataan ang mga aksyon, salita at kaugalian na posibleng ipakita ng isang karakter sa pelikula,” sabi ni Sotto-Antonio.