ALIW na aliw ang madlang pipol sa ginawang online bardagulan ng “It’s Showtime” main hosts na sina Vice Ganda at Anne Curtis.
Sa X (dating Twitter) nagsagutan ang dalawa matapos na nagsimula sa tweet ni Vice na sumasaya ang madlang pipol sa tuwing binabarda niya si Anne.
Kalakip ng tweet ang video ng “puksaan” moments ng dalawa sa noontime program.
Baka Bet Mo: Anne Curtis dismayado sa budget allocation ng gobyerno: Sakit sa heart
“Ahhhhh ganun ha! Porket workity work ako ngayon ha! Antayin mo pagbalik ko talaga. Susuotin ko yang hair mo bago ka Dumating at Hindi ko isosoli. Nyar nyar nyar!” sagot ni Anne.
“Wag mo kong pinagbabantaan! Di ako natatakot sayo! Sa tagal mong bumalik malamang tumubo na ung totoo kong buhok wala ka pa! At pag balik mo baka si Ryan na ung naka wig! Bwark bwark bwark bwark!” banat naman ni Vice.
Talagang patuloy ang bardagulan nina Anne at Vice online na kinaaliwan ng kanilang mga followers.
“Dapat matakot ka. I have a resbak na. Dalawa na kaming “ball of light and sunshine” mangbwibwiset sayo ngayon. Ngyar ngyar ngyar ngyar ngyar!!!!!” sabi pa ni Anne kalakip ang picture nito kasama ang kanyang Madame Tussauds wax figure.
Ibinandera naman ni Vice ang kanyang poster mula sa pelikulang “Girl, Boy, Bakla, Tomboy”.
“Jusko!!! Hapakayabang mo! Yan ba pinagmamalaki mo? Dalawa lang kayo! Manginig ka na pag nakasalubong mo tong buong pamilya ko! Baka sa nunal pa lng ni Girlie maihi ka na sa takot! Bwark bwark bwark!” bwelta ni Vice kay Anne.
Nakatulog naman ang aktres at ngayong araw ay muling itinuloy ang laban.
“Sorry. @vicegandako Just woke up mula sa beauty sleep after shooting buong gabi. SIGE! Give ko na apat kayo. Pero tandaan mo. Meron pa ako resbak na may kapangyarihan. Mag chant lang ako. Mabubuhay mula sa tubig, sa lupa at sa alapaap ang nagiisang DYOSA!” sey ni Anne.
Ready naman si Vice sa sagot nito at sinabing, “Kita mo natulog ka lang pala imbis na pumasok ka! At wag mong ipagmalaki sakin yang mga sinasabi mong kakampi mo dahil ung isa dyan kabayo! Alagad yan ni Petra. Sigurado kong sakin yan papanig! Bwark bwark bwark!!!”
Sa huli ay pinili na ring wakasan ni Anne ang bangayan nila sa X.
Ibinahagi pa nito ang isang video clip kung saan mapapanood ang eksena nila mula sa teleseryeng “Dyosa”.
“Sa ngalan mg katahimakan at kapayapaan tinatapos ko ang puksaan na ito hanggang sa makabalik ako sa tahanan natin. I love you and miss you sisterette! @vicegandako NYAR NYAR NYAAAAAR!” ani Anne.