Arci Muñoz napiling ‘hurado’ sa 16th Mister International sa Thailand

Arci Muñoz napiling ‘hurado’ sa 16th Mister International sa Thailand

PHOTO: Instagram/@ramonathornes

KABOG ang actress-model na si Arci Muñoz!

Isa kasi siya sa mga napili na maging miyembro ng Selection Committee para sa final competition ng 16th Mister International.

Ang nakakatuwang balita na ‘yan ay ibinandera mismo sa official Instagram page ng nasabing kompetisyon.

“Arci Muñoz is a renowned Filipina actress, singer, and model, who has starred in several blockbuster movies such as Always Be My Maybe, Camp Sawi, and A Second Chance. She rose to prominence with her hit television show Pasion de Amor, solidifying her status as one of the leading ladies of Philippine show business,” pagpapakilala sa caption.

Patuloy pa, “Arci is also celebrated as one of the most in-demand brand ambassadors in the country, collaborating with numerous global brands and commercials.”

Baka Bet Mo: Nagnakaw ng ATM card ni Arci sa loob ng eroplano ‘di pa nahuhuli

Ani pa ng organisasyon, “We are honored to have her join us in selecting the next Mister International!”

Si Arci ang kauna-unahang selection committee member na ipinakilala sa publiko.

Ang international pageant ay gaganapin sa Bangkok, Thailand sa darating na December 14.

Ang magiging pambato ng Pilipinas para sa male bueaty pageant ay si Justin Carl Ong.

Makukuha niya kaya ang ikalawang korona ng bansa?

Kung matatandaan, unang kinoronahan ang inilaban natin na si Neil Perez noong 2014.

Read more...