Nadine minura-mura si Aga; agad-agad nag-YES sa ‘Uninvited’

Nadine minura-mura si Aga; agad-agad nag-YES sa 'Uninvited'

Vilma Santos, Aga Muhlach at Nadine Lustre

NAGMARKA agad sa mga fans ni Nadine Lustre ang malutong na pagmumura niya kay Aga Muhlach sa trailer ng pelikula nilang “Uninvited.”

Siguradong marami ang masa-shock sa role ni Nadine sa official entry ng Mentorque Productions at Project8Projects kung saan first time nga niyang makakasama si Aga at ang Star for All Seasons na si Vilma Santos.

Kaloka ang eksena ng award-winning actress sa ipinalabas na full trailer ng movie sa bonggang grand mediacon ng “Uninvited” na ginanapa sa Solaire North, Quezon City last Wednesday.

As in talagang paulit-ulit niyang pinagmumura si Aga sa nasabing eksena na gumaganap na tatay niya sa movie na isa sa mga biggest entry sa 50th anniversary ng MMFF this year na magsisimula na sa December 25.

Baka Bet Mo: Ate Vi, Aga, Nadine ‘bardagulan’ sa MMFF 2024 entry na ‘Uninvited’

“That scene (minura-mura si Aga) actually was very hard, kasi every time after ng eksena, naalala ko pala­ging may added scene si Kuya Aga na, as in after the scene, paglabas ko ng pintuan, tawa ako nang tawa.

“I don’t know if it’s gonna be in the film. Pero, iba talaga ang pakiramdam na makaeksena ko si Kuya Aga.


“Hindi naman awkward, pero I mean, if anything, mas natuwa ako na naitawid namin ang eksena. Pero sa trailer, medyo triggering siya.

“I guess, nakakatawa lang kasi, knowing Kuya Aga, sobrang layo rin ng personality niya sa character niya,” kuwento ni Nadine about her role as Nicole sa “Uninvited” na isang super rich heiress.

Pag-amin pa ng dalaga, “Medyo mahirap, kasi sobrang opposite kami ni Nicole. Sobrang extreme siya, mayaman, lahat ng bisyo ginagawa niya, in a way parang may hatred siya towards her dad (Aga), at kung ano man ang nangyayari sa mundo niya.

“Ako naman chill lang kasi ako, and also my relationship with my dad is not exactly the same. Pero ang simila­rity siguro namin ni Nicole is pareho kaming palaban,” sey pa ng aktres.

Tinanong ng BANDERA si Nadine sa naganap na presscon kung paano niya pinaghandaan ang mga bardagulan scenes niya with Aga and Ate Vi.

“Inaaral ko talaga ang scene, and I really try to put myself in the shoes of my character. Pero ang mga intense scenes talaga namin, mahaba-habang rehearsals din ang ginawa namin.

“Especially because ang mga shot, mahirap din ‘yung paulit-ulit. So, a lot of rehearsing din. Inaaral ko talaga siya. Mahilig din kasi ako mag-imagine. I think one of the skills that I have, is that, I really put myself in the shoes of my cha­racter.


“So kahit hindi ko napagdaanan, or wala akong experience sa bagay na naranasan ng character ko, parang nararamdaman ko na rin siya,” pagbabahagi ni Nadine.

Dagdag ng aktres, tinanggap niya agad-agad ang pelikula nang malamang sina Aga at Vilma ang makakasama niya.

“Nu’ng pinitch po kasi sa akin nina direk Dan (Villegas) ‘yung project, nakakatawa, ‘yung una nilang ginawa is sinabi nila ‘yung mga kasama sa film, tapos after nu’n parang nagbigay sila ng synopsis ng kwento.

“Hindi pa tapos ‘yung pag-e-explain nila direk du’n and all, sabi ko, ‘direk, game na.’

“Kasi, I mean, kailan ko ba masasabi na nakatrabaho ko silang lahat in one film? So, siyempre, this is an opportunity of a lifetime, so agad-agad tinanggap ko siya,” dagdag ni Nadine.

Aminado naman ang aktres na inatake rin siya ng matinding nerbiyos nang magsimula na silang mag-shooting.

“Kasi nga, bigatin nga ‘yung mga kasama ko, but then, everyone was so welcoming, everyone was so nice, kuya Aga and ate Vi, so, mawawala talaga ‘yung kaba mo.

“And I think, ‘yung pressure and ‘yung kaba na ‘yun just really turned to parang mas more on just wanted to have a good time, wanted to do my best and of course, to enjoy working on the film,” sey pa ni Nadine.

Read more...