HUGOT na hugot ang isang street food vendor tungkol sa mga manlolokong customer na hindi nagbabayad nang tama.
Usap-usapan ngayon ng mga netizen ang isang viral Facebook post mula sa “Random Trends” account kung saan makikita ang litrato ng kariton ng negosyong “tusok-tusok“.
May karatulang nakasabit dito at mababasa ang mensaheng, “PAKIUSAP!! MAGBAYAD KAYO NG TAMA.”
May caption itong, “Hindi yung ang dami niyong kinain tapos bente lang ang ibabayad niyo.”
Sa mga hindi pa masyadong aware, ang “tusok-tusok” ay isang kilalang negosyo na karaniwang makikita sa kalye kung saan ang itinitinda ay mga pagkaing tinutuhog at nilalafang gamit ang barbecue stick.
Kabilang na riyan ang mga street food na fishball, squidball, kikiam, kwek-kwek, hotdog at french fries.
Baka Bet Mo: Bea Alonzo lumafang ng fishball at kwekwek habang nasa shooting, ininggit si Dominic Roque: ‘Favorite mo Hun, oh!’
In fairness, marami ang nakisimpatya sa ginagawang panloloko at panlalamang ng mga kababayan natin sa mga street vendor lalo pa’t barya-barya lamang ang kanilang kinikita.
Narito ang mga comments ng mga nakabasa sa naturang FB post na karamihan ay nanawagang maawa naman sa mga nagtatrabaho nang marangal at patas.
“Ang taong may malasakit ang blessing nakadikit ,pero kung Wala ka nito bubutasin ang kaldero mo, sad but true.”
“Be honest naman nag hahanap buhay sya ng marangal wag naman sana dayain.”
“Nabubulok ang sikmura ng hindi nag babayad sa pagkain. goodluck liars.”
“Kaawaan po sana ntin ang maliit na negosyo, pero mas Malaki pa ang tiwala sa public kesa sa private.”
“Mga ganitong negosyo, d nila hinangad maging stable money, Ang gusto nila ma solve ung pangkain nila sa araw arw, kung d ka maging honest sa kapwa mo tao, babalik din sayo ginwa mo.”
“Oo alam ko mahirap buhay, pero, wag naman isahan pa tong mga ganitong local vendors.”
“Danas ko Yan, minsan n kong nalugmok mula ng nawalan ako ng trabaho noon, dahil napakahirap mag apply noon ng trabaho dahil pandemic, namasukan ako bilang vendor ng street foods, nag stay in ako libre kain n din, ung inakala kong makakapag simula akong kumita kahit papano ay ndi pla, halos wala akong sinasahod nun dahil sa mga shortage ko sa mga paninda ko, dahil sa mga taong ndi nagbabayad ng tama, mga taong ndi p nagbabayad at sumasabay sa karamihan, kahit alam nilang maliit lng ang kita nmin sa gnyan eh tuloy padin sila sa pang lalamang. Sa mga taong mandaraya pag dating sa ganito sana mag isip isip kayo bago nio kayo mandaya sa mga street food vendor, ndi nio alam ang hirap nila sa pag titinda.”