PANSAMANTALANG made-delay ang pelikulang pagsasamahan ng Kapamilya actors na sina Daniel Padilla at Zanjoe Marudo na “Nang Mapagod Si Kamatayan”.
Ang balita ay mismong nanggaling sa first time dad na si Zanjoe.
Ayon sa pakikipag-usap nito sa pep.ph, maaantala muna ang kanilang pelikula dahil mas binigyan muna ni Daniel ng priority ang teleserye nitong “Incognito”.
Siya naman ay priority muna ang responsibilidad bilang asawa sa kapwa artistang si Ria Ataydw at ama sa kanilang panganay na anak.
Baka Bet Mo: Kathryn nakipaglaplapan kay Alden na never ginawa kay Daniel Padilla
“Actually, magsisimula na dapat talaga kami no’n kaya lang hindi na namin nasimulan. Pero nando’n na, mag-shoot na kami ng day one,” saad ni Zanjoe.
“Pero ang nangyari lang kasi, nag-usap kaming mabuti ni Daniel at saka ng production, dahil napakaganda ng concept,” dagdag pa niya.
Ang “Nang Mapagod Si Kamatayan” ay mula sa panulat ng isa sa mga national artists na si Ricky Lee.
“Galing ito sa istorya ni Ricky Lee… napakaganda niya. Napakahirap din naman isulat… Saan ka nakakita ng istorya na si kamatayan at ang tao mag-best friend?” chika pa ni Zanjoe hinggil sa pelikula nila ni Daniel.
Sa kabila ng pagkakaantala ng shooting ng kanilang pelikula ay sinisiguro naman ni Zanjoe na matutuloy ito.
“Kasi, minsan lang naman kami magkatrabaho ni DJ [Daniel]. Sayang naman kung hindi naman namin talaga todo seryosohin at matindi na malupit ‘yong istorya,” sey ni Zanjoe.
April 2023 nang unang ianunsyo sa publiko na magsasama at bibida ang dalawa sa pelikula written by Ricky Lee.