Ina ni Mary Jane Veloso natatakot sa pag-uwi ng anak sa Pinas

Ina ni Mary Jane Veloso natatakot sa pag-uwi ng anak sa Pinas

Mary Jane Veloso at Celia Veloso

NANGANGAMBA ang nanay ni Mary Jane Veloso na baka malagay pa sa panganib ang buhay ng kanyang anak kapag nakabalik na ito sa Pilipinas.

In-announce ni Pangulong Bongbong Marcos na makakausi na sa bansa ang OFW na si Mary Jane ilang taon matapos masentensiyahan ng death penalty sa Indonesia dahil sa kasong drug trafficking.

“Mary Jane Veloso is coming home,” ang nakasaad sa Facebook post ni PBBM kahapon, November 20.

Aniya pa sa official statement, “Arrested in 2010 on drug trafficking charges and sentenced to death, Mary Jane’s case has been a long and difficult journey.

Baka Bet Mo: Celia Rodriguez umaalma kapag bobo ang katrabaho; fan na fan ni Ate Guy

“After over a decade of diplomacy and consultations with the Indonesian government, we managed to delay her execution long enough to reach an agreement to finally bring her back to the Philippines,” sabi pa ng Pangulo.

Ngunit tila hindi pabor ang nanay ni Mary Jane na si Celia Veloso sa bagong development sa kaso ng kanyang anak na halos 14 years nang nakapiit sa Indonesia.


Aniya, baka raw sa halip na mapabuti ang kalagayan nito sa Pilipinas ay mapasama pa. Ito’y kahit wala pang linaw kung ano ang mangyayari kay Mary Jane pag-uwi niya rito.

Para kay Celia, mas makabubuti raw na manatili na lamang ang anak na nakapiit sa Indonesia kesa dito sa Pilipinas ipagpatuloy ang pagpaparusa sa kanya.

“Para po sa akin, sa amin pong pamilya, kung iuuwi si Mary Jane at ikukulong din po, gugustuhin ko po sa Indonesia siya nakakulong,” ayon kay Celia sa panayam ng dwPM.

Dagdag na paliwanag ng nanay ni Mary Jane, “Dahil mas safe po ang kalooban namin dahil nakikita namin ang trato kay Mary Jane talagang mahal na mahal nila.

“Eh, dito sa Pilipinas, hindi po kami nakakasiguro dahil international na sindikato po ang kalaban namin,” dugtong pa ni Celia.

Taong 2010 nang maaresto si Mary Jane sa Adisucipto International Airport sa Yogyakarta matapos mahulihan ng mahigit 2.6 kilo ng heroin.

Pinanindigan naman ng OFW na wala siyang kinalaman sa drogang nakuha sa kanyang luggage dahil ibinigay lamang sa kanya iyon ng kanyang mga recruiter na nakilalang sina Julius Lacanilao at Maria Cristina Sergio.

Read more...