MARAMI ang naniniwala na magdyowa na raw talaga ang ex-fiancé ni Bea Alonzo na si Dominic Roque at ang dating dyowa ni Javi Benitez na si Sue Ramirez.
Nagsimulang kumalat ang tungkol sa relasyon umano nina Dominic at Sue nang maispatan silang magkasama sa isla ng Siargao.
Ayon sa mga nakakita sa dalawang celebrity sa naturang tourist destination ay may “something” nang namamagitan sa kanila.
Mas uminit pa ang usapin nang kumalat ang litrato at video kung saan spotted muli na magkasama sina Dominic at Sue sa isang bar sa Siargao with matching halikan pa.
Baka Bet Mo: Sue Ramirez inalala ang pagkakasakit ng ama: Daddy’s girl kasi ako kaya talagang apektado ako
Sa “Showbiz Updates” vlog ni Ogie Diaz, nabanggit nito na nanliligaw daw si Dominic kay Sue, “Ang balita ko pa ay nagpapadala pa raw ng food itong mommy ni Dominique Roque kay Sue Ramirez.”
Kasunod nito, may kumakalat na namang video na muling naispatan ang rumored couple na magkasama na naman sa Siargao.
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” may bagong chika si Mama Ogs na inispluk ng kanyang source.
“Ang sabi, ewan ko kung tama ang aking source, ngayong araw November 18, nasa Siargao ulit si Dominic Roque,” aniya.
Ang siste, bumalik lang sa Manila si Dominic para sa block screening ng “Hello, Love, Again” bilang suporta sa BFF niyang si Kathryn Bernardo at pagkatapos ay bumalik na rin daw agad-agad sa Siargao.
“‘Yun pala, naiwan doon (sa Siargao) si Sue Ramirez. E, noong October pa nandu’n si Sue,” pambubuking pa ni Ogie.
Hamggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita sina Dominic at Sue kung ano na ba talaga ang tunay na estado ng kanilang relasyon pero base sa mga nababasa naming komento ng netizens sa social media, feeling nila ay magdyowa na ang dalawa.