KALIWA’T kanan ang bashers ni Nadine Lustre dahil sa pag-eendorso ng online casino na para sa kanya ay trabaho lang lalo’t may management company siya na mas nakakaalam kung ano ang nararapat.
Ipinagtanggol ng lalaking Marites na si Xian Gaza ang aktres na nagsabing sana’y maintindihan ng lahat kung bakit ginawa ito ng aktres. Unang-una na riyan ang mga gastusin at bayarin ni Nadine.
Naglabas ng open letter si Xian sa lahat ng namba-bash ngayon sa aktres. Narito ang buong post ng social media personality.
“OPEN LETTER TO ALL THE HATERS & BASHERS OF NADINE LUSTRE:
“Matumal na si Nadine ngayon. Walang projects. Kung mayroon man eh papitik-pitik lang at sobrang barya ng TF.
“May mga loan na kailangang bayaran ‘yung tao. May mga bills na kailangang habulin buwan-buwan. May lifestyle na kailangang i-maintain.
Baka Bet Mo: Pag-endorso ni Nadine ng online casino aprub sa ilang fans: Respeto lang!
“May mga buhay din na umaasa sa kanya. Ang hindi ko maunawaan eh kung bakit niyo ica-cancel yung tao ng dahil lamang sa isang post promoting a gambling platform?
“Kasi maraming ma-eengganyo? Maraming buhay ang masisira? In what way? Nag-livestreaming ba siya? Hindi naman. Brand ambassadress lang ‘yung tao. Napakalaki ng offer.
“Yung lahat ng kinita niya from June 2022 to September 2024 ay kulang pa sa binigay sa kanya para sa isang project na ‘to. Bakit hindi niya tatanggapin?
“Napakalinis niyo naman pala. Napaka-righteous niyo. ‘Yung buhay ng ibang tao ay iniisip niyo pero ‘yung buhay ng celebrity ay hindi niyo kino-consider. Masyado na kayong woke. Lost in touch na kayo sa reality.
“Nakasira ba siya ng pamilya by doing one promotional post? Hell no! ‘Yung maglalaro lang diyan ay ‘yung mga taong lulong na rin sa ibang platform kagaya ng Casinyeam.
“Kinakapos ‘yung tao financially kaya dumidiskarte siya sa buhay sa marangal na paraan tapos iba-bash niyo pa at dudurugin ang mental health?
“Grabe naman kayo. Nang-scam ba siya? Nanloko ba siya ng kapwa? Hindi naman. Sana sa bawat ideyalismo na ating ipinaglalaban eh maging realistic din tayo paminsan-minsan.
“Boycottin niyo ‘yung platform pero huwag niyo namang husgahan ‘yung buong pagkatao ni Nadine ng dahil lamang sa isang bagay na magbibigay ng solusyon sa mga pinagdadaanan niya ngayon sa buhay.”
Loud and clear ang paliwanag na ito ni Xian at trending ang open letter post niya kung saan marami ang nag-agree sa mga inisa-isa niyang punto.