Vivamax star Sahara proud Aeta, tatay binuking: Dati siyang transwoman

Vivamax star Sahara proud Aeta, tatay binuking: Dati siyang transwoman

Sahara Bernales, Jem Milton, Direk Rodante Pajemna, Jr. at Mark Dionisio

HINDI ikinahihiya ng Vivamax bombshell na si Sahara Bernales na isa siyang Aeta. In fact, ipinagmamalaki pa niya ito.

Maganda ang kulay ni Sahara at bukod sa kanyang kaseksihan ay hindi rin magpapahuli ang taglay niyang Pinay beauty.

Bibida ang sexy star sa pinakabagong VMX (dating Vivamax) Original movie na “Maryang Palad” mula sa direksyon ni Rodante Pajemna, Jr..

Sa presscon ng “Maryang Palad”, ni-reveal ni Sahara na may lahi nga siyang Aeta na mula sa side ng kanyang nanay na tubong-Pampanga.

Ayon sa dalaga, proud siya sa kanyang pinanggalingan at nagpapasalamat siya sa lahat ng mga taong nagtitiwala, nagmamahal at tanggap kung sino man siya.

Baka Bet Mo: 2 Vivamax star payag makipagrelasyon sa tomboy: Go! Basta mahal mo!

Bukod dito, naukuwento rin ng Vivamax star ang tungkol sa amang transgender na si Lawrence Manatiga na all out din ang support sa kanya.

Rebelasyon ni Sahara, walo silang magkakapatid mula sa tatlong babae na naging karelasyon ng kanyang ama.

“Dating transwoman ang papa ko. Pero kasal po siya sa Mama ko. Si Papa, babaeng-babae dati. Sumasali siya sa mga pageant.


“Ang papa ko kasi lalakero dati pero na-brokenhearted siya. Ikinukuwento niya na dati nagpapa-table pa raw siya sa mga lalaki kasi kinesa (makinis) siya. Maputi, mahaba ang hair niya.

“Talagang babae po ang hitsura niya, tisay-tisay siya. Siya po yung nagturo sa akin na rumampa sa mga pageant. Siya yung nagme-makeup dati sa akin.

“Kapag may parada, siya ang gumagawa ng sasakyan ko,” tuluy-tuloy na kuwento ni Sahara.

“Never ko siya ikinahiya. Minsan, nagbibihis-babae siya. Kapag nasa bahay, lagi siyang nagsusuot ng p*kp*k shorts, sando.

“Proud siya na artista ako. Yung mga picture ko po sa parlor niya, malalaki,” aniya pa tungkol sa ama na inilarawan pa niyang responsable at mapagmahal na tatay.

Samantala, napapanood na ngayon sa VMX ang “Maryang Palad” na iikot ang kuwento sa isang mandaragat na muling makikita at iibig sa kanyang childhood crush kahit nang malaman niyang isa na ito ngayong masahista na nagpapabayad para romansahin ang kanyang mga kliyente.

Si Lando (Vince Rillon) ay isang masipag na mandaragat na nagtatrabaho para kanyang magulang at mga kapatid.

Habang nasa barko, muli niyang makikita ang kanyang childhood crush na si Marya (Sahara Bernales), isang masahista na sumasampa sa barko gabi-gabi para magserbisyo sa mga mandaragat.

Bukod sa pagmamasahe, ginagamit din ni Marya ang kanyang mga “mahiwagang kamay” para magbigay ng “extra service,” na gustong-gusto at hinahanap-hanap ng mga nakakaranas nito. Kahit na ganito, hindi nawala, kundi ay may tumindi pa ang pagmamahal ni Lando para kay Marya.


Aamin ng pag-ibig si Lando kay Marya, pero hindi siya paniniwalaan ni Marya sa simula dahil hindi siya makapaniwala na may magmamahal sa isang babaeng katulad niya.

Pero patutunayan ni Lando na totoo ang nararamdaman niya para kay Marya, at ‘di kalaunan ay mahuhulog na rin ang loob ni Marya sa kanya.

Kahit na maraming responsibilidad sa kanilang pamilya, susubukang kumbinsihin ni Lando si Marya na iwan na nila ang kanilang mga trabaho, kalimutan ang nakaraan at magsimula muli nang magkasama.

Sasang-ayon kaya si Marya sa plano ni Lando? Handa ba siyang kalimutan ang lahat para makasama ang lalaking minamahal niya or matatakot siyang sumubok?

Tama ba ang desisyon ni Lando na isakripisyo ang lahat para kay Marya o isang malaking pagkakamali ang ginagawa niya?

Anong kapalaran ang naghihintay para sa dalawang tao na ito na labis na nagmamahalan? Alamin at panoorin ang “Maryang Palad” sa VMX.

Read more...