PAREHONG nakasuot ng white wedding dress ang dalawang miyembro ng Ben&Ben sa kanilang kasal na ginanap sa Los Angeles, California.
Ibinandera ng keyboardist ng grupo na si Pat Lasaten at ng lead bassist na si Agnes Reoma ang nangyaring kasalan ngayong araw, November 18 (Manila time) sa kanilang social media accounts.
Makikita nga sa mga litratong ibinahagi ni Pat sa Instagram na parehas silang nakasuot ng puting wedding gown nang magpalitan ng “I do”.
Mababasa sa caption ng IG post ni Pat ang mensaheng, “I married my best friend. It was a perfect day.
“There is so much to be said about yesterday, but one of most important things that will stay with me is this; we’re so blessed to be loved like this by our families and friends.
Baka Bet Mo: Juancho tinawag na ‘Wonder Woman’ ang asawang si Joyce matapos isilang si Baby Agnes: ‘Please love your Mommas!’
“I will love you forever, @agnesreoma,” ang pahayag ng member ng Ben&Ben. Hirit pa niya sa kanyang asawa, “Tipid tipid na ulit tayo.”
Base sa mga nakita naming wedding pictures nina Pat at Agnes, mukhang simple at intimate lamang ang naganap na seremonya kung saan present ang kanilang respective families at ilang close friends.
Naroon ang kanilang mga kabanda na sina Paolo at Miguel Benjamin, drummer na si Jam Villanueva, at percussionist na sina Toni Muñoz at Andrew De Paon.
Ibinahagi sa publiko ng bagong kasal ang kanilang engagement noong December 31, 2022 na nangyari pa raw noong July 2022 after eight years bilang magdyowa.
“A lot of surprises and blessings happened this 2022 but this is my favorite. Love you forever, Patfly,” ang caption ni Agnes sa ipinost niyang engagement photo nila ni Pat.