#SerbisyoBandera: SB19 Justin, Sony Music PH nagbigay saya, tulong sa Tondo

#SerbisyoBandera: SB19 Justin, Sony Music PH nagbigay saya, tulong sa Tondo

PHOTO: Courtesy of Sony Music Entertainment Philippines

NAGKAISA ang Sony Music Entertainment Philippines at si Justin ng SB19 para maghatid ng saya at suporta sa mga nangangailangan sa Maynila.

Ito ay sa pamamagitan ng global campaign ng music label na “Season of Giving.”

Sa tulong ng Rise Against Hunger Philippines (RAHP), nabigyan ng pagkain at kasiyahan ang mga bata mula sa “Better World Tondo” na naapektuhan ng bagyo at hamon sa ekonomiya.

Noong November 7, mistulang maagang nagdiwang ng Pasko ang mga bata sa “Better World Tondo” nang bumisita ang visual at sub-vocalist ng sikat na P-Pop group.

Napuno kasi ito ng exciting games, masigabong performances at masustansyang pagkain!

Baka Bet Mo: SB19 Justin type karirin ang pag-arte matapos umeksena sa ‘Senior High’

Hindi maitago ang tuwa ng mga bata habang inaawitan sila ni Justin ng kanyang version ng “Sunday Morning” ng Maroon 5, pati na rin ng solo hit niyang “surreal” at “Ikako” ng SB19.

Bukod sa performances at games, lalong nag-enjoy ang mga bata sa pagkaing inihanda para sa kanila ni Justin –menudo rice meal na may papaya slices.

PHOTO: Courtesy of Sony Music Entertainment Philippines

Para sa Pinoy pop star, ang naging experience na ito ay naging espesyal at tiyak na mapupunta sa kanyang “core memory.”

“I’ve been involved in several advocacies before, but working closely with Sony Music Entertainment Philippines and RAHP has somehow expanded my understanding of the power of using my platform for positive change,” sey niya sa isang pahayag.

Dagdag pa niya, “There was something incredibly fulfilling about seeing the children’s faces light up during my performance, and it was a special moment to personally serve them the food. This experience will always be a core memory for me, and I’m looking forward to being part of more initiatives like this in the future.”

PHOTO: Courtesy of Sony Music Entertainment Philippines

Nagpasalamat naman si Leni Renton, Program Lead ng Rise Against Hunger Philippines, sa mainit na suporta ni Justin at ng Sony Music.

“Justin of SB19 is incredibly warm, caring, and generous with the children. They connected with him instantly, enjoying his performances and having a blast playing games together. This special experience, thanks to Sony Music, will remain a cherished memory for these kids for years to come. We are deeply grateful to Sony Music for their continued support and generosity,” sambit niya.

Idinagdag pa ni Renton na bukod sa pagkain, naghatid din ng inspirasyon ang kampanya ng Sony.

“Through this partnership, Sony Music not only nourishes their bodies but also inspires and uplifts their spirits by connecting them with aspiring artists who ignite their hopes and dreams,” aniya.

Dahil sa “Season of Giving” campaign, ipinapakita na kayang gawing mas makabuluhan ang Kapaskuhan.

Tunay ngang hindi lang musika ang bitbit ng Sony Music Group at ni SB19 Justin—kundi liwanag, pag-asa, at inspirasyon para sa mga nangangailangan!

Read more...