Claudine sinugod sa ospital matapos bumaba ang BP, naging delikado raw?

Claudine sinugod sa ospital matapos bumaba ang BP, naging delikado raw?

PHOTO: Instagram/@claubarretto

NAKAKAKILABOT na karanasan sa kalusugan ang ibinandera ng batikang aktres na si Claudine Barretto matapos isugod sa ospital kamakailan lang.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Claudine ang ilang detalye ng kanyang pinagdaanan na sinasabi niyang medyo matagal na niyang nararamdaman.

“Been needing to go to the hospital for weeks na. My BP has been too low and to be admitted was necessary,” caption niya.

Inamin din niya na natakot siya at hindi naging handa sa naging kaganapan sa kanyang health condition.

Baka Bet Mo: Claudine naka-‘bonding’ ang pamilya ni Rico Yan: ‘I promise to always be there’

Kasunod niyan ay ikinuwento ng aktres ang isang insidente habang siya’y nilalagnat at inaalagaan ang kanyang anak na si Noah.

“While giving Noah a bath even with high fever 2 nurses gave me a bath after Noah. I just jerked & my speech was slurred. I was disoriented while they carried me back to my bed. I was trying my best to tell them I need my hair to be blowdryed (yes kaartehan po) in a minute so many doctors and nurses kept telling everyone BAT PATIENT. Not knowing the meaning. They brought me to the OR then MRI. Injected me with something so painful I didn’t even know how I got back to my room,” saad niya.

Sa gitna ng kanyang karanasan, pinasalamatan niya ang mga taong nag-alaga sa kanya, partikular na ang kanyang mga anak.

“@sab_barretto @santinosantiago12 @rainiertanalgo also shout out to my son Saint. Ayaw lang magpa-video uli pero like Ate Sab [he] took great care of me,” lahad niya sa post.

Sa huli, labis niyang pinasalamatan ang Diyos para sa pagmamahal ng kanyang pamilya, “God thank you for my children [folded hands emoji] I’m so blessed.”

Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye ang aktres tungkol sa kanyang kasalukuyang kondisyon, ngunit malinaw na patuloy siyang nagpapagaling kasama ang suporta ng kanyang pamilya at mga tagahanga.

Narito ang ilang “get well” wishes na nabasa namin sa comment section:

“Please take good care my Queen [crown, sad face, red heart emojis] eat healthy food ate Clau [happy face with heart eyes emoji] love you [re heart emoji].”

“Get well soon, Mommy Clau! We hope that you will get discharge the soonest! ❤[red heart emoji]”

“I’ll pray for you ate Clau, get well and hope you feel better soon [heart emoji]”

“Sending you love and strength, Ms. Clau. Your courage through this is inspiring. Take care, and we’re all rooting for your recovery [heart emoji]”

“’ll pray for your fast recovery Idol @claubarretto Miss you so much po [red heart emojis].”

“I’ll pray for your fast recovery, mami. Get well soon po. We always love you. Please take care po [holding back tears, white heart emojis]”

Read more...