Leila de Lima proud kay Kathryn: Sana makapagpa-picture rin ako sa ‘yo

Leila de Lima proud kay Kathryn: Sana makapagpa-picture rin ako sa 'yo

Kathryn Bernardo, Leila de Lima at Alden Richards

PATI ang dating senador na si Leila de Lima ay proud na proud sa tagumpay ng pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na “Hello, Love, Again” mula sa Star Cinema at GMA Pictures.

Binati ni De Lima si Kathryn kalakip ang litrato ng Kapamilya actress kasama ang kanyang standee na kuha noong 2022 national elections kung saan kumandidato uli siyang senador.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, ibinandera ni De Lima ang historical success ng “Hello, Love, Again” nang kumita ito ng P85 million sa first day pa lamang ng pagpapalabas nito sa mga sinehan last Wednesday, November 13.

Baka Bet Mo: Sharon Cuneta kay Sen. Leila de Lima: We need you more out here

“Proud of you, my Kath! Hello, Love, Again just made history with over P85 million on its first day—the highest opening gross for a local film!


“Nakakaproud ang Filipino films, and it’s all thanks to strong, talented women like you. Your dedication and grace shine through, and you’re truly an inspiration.

“Wishing you and the whole team na nagtrabaho at nagpagod for the film even more success as the movie continues to touch hearts,” bahagi ng FB post ng dating senadora.

Sa huli, nabanggit din ni De Lima ang kanyang wish, “Sana makapagpa-picture rin ako with you, hindi lang sa standee!”

Kung matatandaan, sinuportahan ni Kathryn si De Lima nang kumandidato itong senador noong 2022 elections. Kumalat sa social media ang picture ni Kath katabi ang standee ni De Lima na nakakulong pa noon matapos sampahan ng drug-related charges ng Duterte  administration.

Nakulong si De Lina nang mahigit anim na taon at napalaya nga ngayong taon matapos ibasura ng korte ang lahat ng kasong isinampa laban sa kanya dahil  wala raw sapat na ebidensya.

Read more...