Awra Briguela pinaratangang may sugar daddy, pumalag: Are you for real?!

Awra Briguela pinaratangang may sugar daddy, pumalag: Are you for real?!

INALMAHAN ng komedyanteng si Awra Briguela nagbalik pag-aaral dahil kay Vice, babawi sa sariliAwra Briguela ang mga netizens na nag-akusa sa kanyang may karelasyong afam.

Ibinandera kasi niya sa kanyang Instagram ang ilang larawan at videos na kuha habang nagbabakasyon sila sa Bohol.

“Forever grateful for the memories and beauty of [B]ohol. [emojis] This place will always hold a special spot in my heart,” saad ni Awra sa caption.

Sa isang video post ng dating child star ay makikita na may katabi itong foreigner na nakahawak sa kanyang baywang.

Baka Bet Mo: Awrahan ni Chelsea Manalo sa Miss Universe 2024 pak na pak kay Catriona

Kaya naman agad na umani ng iba’t ibang komento mula sa madlang pipol ang naturang post ni Awra.

“Afam jowa niya,” comment ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Asukal de papa.”

“Jowa mo na yan bhe?” tanong naman ng isa.

Sinagot naman ito ni Awra at nilinaw kung ano ang relasyon niya sa katabing afam.

“Are you being for real right now?! That’s my uncle right there!! That’s my uncle’s husband and yes they’re married for almost 10 years now. So much hate. Lol,” palag ni Awra.

Giit pa niya, maaaring i-stalk ng mga netizens ang account ng kanyang tito para malaman ang totoo.

Marami naman ang nagtanggol kay Awra at sinabihan ang kapwa netizens na mag-ingat sa mga binibitawang salita.

Read more...