Ben&Ben ibabandera ang first-ever ‘animation-concert’ hybrid

Ben&Ben ibabandera ang first-ever ‘animation-concert’ hybrid

PHOTO: Courtesy of Ben&Ben

Handa na ba kayo sa isang kakaibang concert experience?

For sure, mapapabilib ka sa upcoming arena show ng sikat na nine-piece band na Ben&Ben dahil sa inihanda nilang “animation-concert” hybrid, ang kauna-unahan sa Pilipinas!

Mangyayari na ‘yan sa sa December 14 sa SM Mall of Asia Arena na kung saan pagsasama-samahin ng banda ang animation, film at live music performance.

Ayon sa isang pahayag, ang kakaibang konsepto ay inspired sa kanilang upcoming third studio album na “The Traveller Across Dimensions.”

Sinabi rin ng Ben&Ben na ang layunin ng album at concert ay para iangat ang storytelling sa mas mataas na level gamit ang cutting-edge multimedia kasama ang Puppeteer Studios.

Baka Bet Mo: Ben&Ben palaban, hindi na papayag maging biktima ng kasinungalingan

Dahil diyan, may ipapakilala silang mga bagong karakter na tiyak na magdadala sa kakaibang mundo ng musika at sining.

“We’re thrilled to share the story of Liwanag, the titular character in The Traveller Across Dimensions,” pagbabahagi ng banda sa kanilang collective statement. 

Sey pa nila, “We’ve shown a glimpse of this story in our ‘Triumph’ music video, but the concert will reveal the full narrative in a way that no one has seen before.”

Tiniyak din ng Ben&Ben na ang show ay parang pelikula sa live stage gamit ang state-of-the-art technology na magbibigay ng cinematic na karanasan sa mga manonood at fans.

Nabanggit din nila na magiging bahagi ng kanilang show ang Liwanag LED wristbands.

“We are working with Pixmob, the same tech provider as some of the international concerts we’ve attended in the past,” kwento ng Ben&Ben.

Sa mga excited nang manood ng upcoming concert, mabibili ang tickets sa SM Tickets sa halagang P1,700 hanggang P7,700.

Read more...