NAGSALITA na ang batikang aktor na si Mark Anthony Fernandez kaugnay sa kumalat niyang sex scandal.
Ilang buwan na ang nakalipas mula nang pag-usapan ito sa social media, pero recently lang siya nag-open up matapos makapanayam ng broadcast journalist na si Julius Babao sa kanyang YouTube vlog.
Pagbubunyag ng aktor, ang mga kaibigan niya ang nag-hack ng kanyang cellphone kaya nagkaroon ng leakage.
“Ang nangyari ay mano-manong hack sa party ng mga tropa kong babae kaya nagkaroon po ng leakage…na-open [‘yung cellphone], nakuha [‘yung video],” chika niya.
Nang usisain ni Julius kung parte ba ng isang eksena ang nasabing video, ang sagot diyan ni Mark Anthony: “Hindi po. Lumang, lumang video na siya ng adventure namin ‘nung GF ko po noon time na ‘yun.”
Baka Bet Mo: Ogie Diaz inimbestigahan ang viral video ni Mark Anthony: ‘Di ko siya in-enjoy!
Inamin ng aktor na siya mismo ‘yung nasa scandal video, pero may mga parte daw doon na edited na at hindi na siya ang naroon.
“‘Yung kamukha ko, ako ‘yun pero ‘yung hindi nakikita mukha ko, hindi ako ‘yun,” sey niya habang tumatawa.
Nang tanungin naman siya kung nagalit siya sa mga kaibigang nagpakalat ng kanyang private video.
“Magagalit ako kung ‘yung edited version is mukha akong masama…buti na lang pinakita na siya (girl) ‘yung may hawak, hindi ako ‘yung may hawak [ng camera],” sambit niya.
Sinabi rin ng aktor na magandang mga komento naman ang kanyang nababasa sa nag-leak na video, kaya hindi muna siya nagsalita.
“Minabuti ko na pong maging silent muna kasi sari-sari ‘yung [komento] so hinayaan ko munang mag-meltdown ng konti,” saad niya.
Dagdag niya, “Medyo kinabahan ako ‘nung una…[pero] buti nalang ‘nung nabalitaan ko lahat ay maganda.”
“So wala [akong] dapat ikatakot. So nakahinga na ako,” aniya pa.
Kung matatandaan noong Hulyo, marami sa mga netizens ang nawindang matapos masaksihan ang sex video ni Mark Anthony kasama ang isang babae dahil kitang kita ang “bird” nito.
Agad itong nag-trending dahil kumpirmadong daks ang aktor na siyang sinabihan ng iba na “sana all.”