AMINADO ang actress-beauty queen na si Kylie Verzosa na super happy siya sa karelasyon niya kahit pribado ang kanilang pagsasama.
Sa kanyang naging panayam sa ABS-CBN News nitong Huwebes, November 14, naikuwento niya ang estado ng relasyon nila ng dyowa niya na hindi pa rin niya ina-out sa publiko.
“He is a very private person. We both decided to keep it like this. Honestly, it is so much better and so much peaceful. Walang pressure,” saad ni Kylie.
Aniya, mas naa-appreciate niya raw ang tahimik na mundo nila ng kanyang dyowa.
Baka Bet Mo: Kylie Verzosa ‘di naniniwalang pwedeng maging friends ang mag-ex
“I don’t feel the need for the public to see the relationship. Mas na-appreciate ko ganito lagay,” dagdag pa ni Kylie.
Kahit na walang pangalang binanggit ay ibinahagi naman niya ang ilang detalye patungkol sa kanyang dyowa.
Proud na kuwento ni Kylie, super green flag raw ang boyfriend na nasa tech industry.
“He has been so supportive of everything I do. Since sola is an e-commerce business, he has been helping. I am so happy.
“I am growing as a person. I am learning so much from him. I am really happy,” sey pa ni Kylie.
Matatandaang December 2023 nang aminin ng beauty queen-actress na in a relationship na siya sa isang non-showbiz guy.
Bago ito ay nakarelasyon niya ang aktor na si Jake Cuenca.