MULING masisilayan sa big screen ang iconic role ng Hollywood star na si Tom Cruise bilang si “Ethan Hunt” sa pinakabagong kabanata ng “Mission: Impossible” –ang “The Final Reckoning.”
Kamakailan lang, inilabas na ang trailer ng upcoming film at mukhang ito na ang final chapter ng franchise.
As usual, matinding action ang ibinandera ni Tom sa pasilip na kung saan ay ibinida niya ang ilan sa signature breathtaking stunts niya.
Kabilang na riyan ang intense mid-air scene upang makumpleto umano ang kanyang misyon sa pelikula.
Maliban sa returning characters, bagong kakampi ang ipinakita at makakasama niya riyan ang British-American actress na si Hayley Atwell.
Baka Bet Mo: Tom Cruise ‘buwis-buhay’ sa bagong ‘Mission Impossible’ movie, ginawa ang pinaka delikadong stunt
“I need you to trust me one last time,” sey ni Tom sa pagwawakas ng trailer habang nakaharap mismo sa camera.
Sa comment section, maraming fans ang looking forward na sa pelikula at mukhang excited na rin sila.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“If this really is the last Mission Impossible film, I need to say this series will go down as the greatest action franchise of all time.”
“I’m glad everyone knows how significant this is; we are witnessing history. With Tom Cruise’s films, I proudly say I lived through it all; this makes me tear up for some reason.”
“Awesome! My chilhood action is here again!”
“Here it is a great Mission Impossible movie for Ethan Hunt. Good luck, Ethan!”
Sa mga nakalipas na taon, patuloy na bumibida sa takilya ang “Mission: Impossible” franchise.
Tulad na lamang ng “Mission: Impossible—Fallout” (2018) na kumita ng $791 million o mahigit P46 billion worldwide, ang “Mission: Impossible—Dead Reckoning Part One” (2023) ay umani naman ng $570 million o higit P33 billion globally.
Samantala, tampok din sa bagong action spy film sina Ving Rhames, Simon Pegg, Vanessa Kirby, Esai Morales, Pom Klementieff, Mariela Garriga, Henry Czerny, Holt McCallany, Janet McTeer, Nick Offerman, Hannah Waddingham, Angela Bassett, Shea Whigham, Greg Tarzan Davis, Charles Parnell, at Frederick Schmidt.
Ang “Mission: Impossible—The Final Reckoning” ay mapapanood sa mga lokal na sinehan sa May 21, 2025.