IKA nga nila, “It’s better late than never.”
Kagaya ng aktres na si Ellen Adarna na now lang ibinandera ang pregnancy photos makalipas ang halos isang buwang panganganak sa first baby nila ng mister na si Derek Ramsay.
Sa Instagram, makikita ang ilang pictures and videos ni Ellen na super flex sa lumalaki niyang baby bump.
Lubos ang pasasalamat ni Ellen dahil naging tahimik at mapayapa ang kanyang pagbubuntis.
“I prayed for a stressfree, quiet and peaceful pregnancy and God gave it [red heart, folded hands emoji],” bungad niya sa post.
Baka Bet Mo: Ellen sa kanyang pagbubuntis: ‘Hindi ko naman tinatago…I just didn’t announce’
Siyempre, may special shoutout sa kanyang mister na nanatili sa kanyang tabi habang siya’y nagdadalang-tao.
“Dear husband @ramsayderek07 thank you for just letting me be, letting my pregnant hormones be – psycho (not the other way around) and for always reassuring me that I’m still loved even when I’m not so lovable,” mensahe niya sa aktor.
Nagbiro pa si Ellen na kaya pa niyang magbuntis ulit: “Pwede pa 3 more [baby face emoji] joke!”
Pag-amin ng celebrity mom, “I don’t miss being pregnant but I miss sleeping all day and eating everything [happy face emoji],” kalakip ang hashtag na “throwback.”
Sa comment section, maraming netizens ang bumilib at napa-wow kay Ellen, hindi lang dahil nagawa niyang pribado ang pagbubuntis kundi dahil napanatili niya ang kaseksihan sa kanyang pregnancy journey.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Love how you kept your pregnancy private lods still sexy pa rin.”
“Grabe tiyan lang ang lumaki [laughing emoji].”
“I am inspired of the momma you’ve become. Lavlav Elena!♥ [heart hands emoji].”
“The prettiest pregnant woman I ever saw in those photos [red heart emoji].”
“It was quiet simply because you also choose to do so [red heart emoji] well deserved peace and happiness for a beautiful and strong woman like you. Godbless [red heart emoji].”
Magugunita noong nakaraang buwan lamang nang gulatin ni Derek ang madlang pipol na nanganak na pala ang kanyang misis sa first baby nila.
Dahil sa nangyari, may mga nagsasabing sinadya ito ng mag-asawa upang sorpresahin ang marami.
Ngunit ito ay agad na nilinaw ni Ellen: “Hindi ko gusto surprise. Alam naman ng friends and family and ‘di ko naman tinatago.”
“When I go out, crop top ako kahit malaki tiyan. I just didn’t announce because I don’t need to,” paliwanag ng misis ni Derek.
Wika pa niya, “I want a quiet and peaceful pregnancy.”
“Last thing I need are opinions from people I don’t know and unsolicited advice,” aniya pa.
Samantala, taong 2021 nang maganap ang intimate wedding ng couple sa Bataan at ang baby nila ay pinangalanang Liana.
Ang panganay naman ni Ellen na si Elias ay anak niya sa dating partner na si John Lloyd Cruz.