Karl Eldew Yulo pamilya ang greatest gift: Sinusuportahan nila ako

Karl Eldew Yulo pamilya ang greatest gift: Sinusuportahan nila ako

PROUD na ibinandera ng atletang si Karl Eldrew Yulo ang greatest gift na natanggap niya sa buhay — ang kanyang pamilya.

Sa kanyang naging panayam kay Julius Babao nitong Martes, November 12, natanong siya kung ano ang pinakamahal na nabili niya mula sa mga napanalunang international competitions.

Hindi man materyal na bagay ngunit ang isinagot ni Karl ay ang kanyang pamilya.

“Sobrang halaga po ng family ko sa akin. Kasi nandiyan po sila kahit nasa highs, nasa lows po ako, mga ganoon. Sinusuportahan nila ako through emotion, financially, kahit ano pa ‘ayn sinusuportahan nila ako.

Baka Bet Mo: Paghakot ng medalya ni Karl Eldrew Yulo sa Thailand kinilala ng Adamson

“Sinusuportahan nila ako, gusto nila kung ano yung mas nakakabuti sa’kin,” saad ni Karl.

Para sa mga hindi aware, nakasungkit ng apat na gold medals at dalawa namang silver medals sa nagdaang sa 3rd JRC Artistic Gymnastics Stars Championships 2024 noong Nobyembre 1-3 si Karl.

Mukha namang ilag ang binata na magkomento tungkol sa isyu ng kanilang pamilya o ang hindi pagkakaintindihan ng ina nilang si Angelica Yulo at panganay na anak na si Carlos Yulo.

Pero inamin ni Karl na gusto rin niyang gumawa ng pangalan sa gumnastics gaya ng kanyang kuya.

Gusto rin niyang masungkit ang gold medal sa paparating na 2028 Los Angeles Olympics.

“Gusto kong magkaroon ng pangalan sa gymnastics, or gusto ko na tumatak sa mga bata or mga isipan na may pangalan ako mundo ng gymnastics, na kilalang-kilala ako kahit retired na ako,” sabi pa ni Karl.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagte-training para sa mga sasalihan pang kompetisyon.

Read more...