BINASAG agad ng Kapuso actress na si Bea Alonzo ang mga Marites na may bago na siyang dyowa base lamang sa kanyang viral photos.
Kumalat sa social media ang sweet photos ni Bea at ng isang non-showbiz guy kaya mabilis na nag-assume ang mga netizens na boyfriend na niya ito.
Nag-trending sa website ng Reddit ang screenshot ng ini-repost ni Bea sa kanyang socmed account kasama ang lalaking nagngangalang “Joset” na tila kuha sa isang bar.
Hindi masyadong kita ang face ni Bea dahil natatakpan ito ng kanyang braso habang nakahilig naman ang kanyang ulo sa balikat ni Joset.
Baka Bet Mo: Bea Alonzo luma-lovelife na, may dyowang non-showbiz guy?
Sa Instagram page ng guy ay makikitang may selfie rin sila ni Bea at uploaded ito noong October 13 kung saan kita na ang mukha ng dalaga. Ni-like rin ito ng aktres with matching emoji.
Kasunod nga nito ang mga comments ng netizens na may namamagitan nang something kina Bea at Joset at mukhang happy na raw uli ang puso ng aktres.
Pero sa pamamagitan ng isang Instagram story, nilinaw niya ang tunay na namamagitan sa kanila ng naturang guy.
“Okay, this is getting out of hand. Can we all relax? WE ARE JUST FRIENDS.
“And the stories are getting ridiculous (laughing emoji). Kalma lang po tayo,” hirit ng “Widow’s War” lead actress.
Matatandaang naghiwalay sina Bea at Dominic Roque ilang buwan pa lamang ang nakararaan matapos nilang ibandera ang kanilang engagement noong July, 2023.
Sa interview sa kanya ng “Fast Talk With Boy Abunda”, ibinahagi ni Bea ang kanyang buhay ngayon after ng breakup nila ni Dominic.
“I was really enjoying my life. I guess I’m embracing the uncertainty.
“Kasi na-realize ko, minsan marami tayong plano sa buhay natin, pero God’s plans are always better and so I’m just here to embrace uncertainty kung ano ‘yung nakalaan para sa akin,” aniya.
“I really don’t want to talk about this anymore, baka nga may mga nalilito. It became a mutual decision, of course we worked it out.
“It was a very serious relationship. We didn’t take the decision lightly, it was a process. It was a long process,” aniya pa.