LAUGH kung laugh ang mga netizens sa pampa-good vibes na post ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanyang Instagram account.
Ibinandera ng batambatang alkalde ang isang lalaking residente ng Pasig na lumebel daw sa kanyang kaguwapuhan.
Ipinost ni Mayor Vico sa IG ang kanyang litrato kasama ang naturang Pasigueño. Aniya sa caption, “Eto na naman siya. Walang papalag!! ANG DALAWANG POGI NG PASIG.”
Chika pa ng anak nina Bossing Vic Sotto at Coney Reyes, mula nang maglingkod siya bilang alkalde taong 2019, ay talagang pumupunta na siya sa ilang community sa Pasig.
Ito’y para makita at makasama niya nang personal ang mga residenteng kanyang nasasakupan. Malaki raw ang naitutulong nito upang matugunan ang iba pang pangangailangan ng mga taga-Pasig.
Baka Bet Mo: Bossing member din ng fans club ni Vico: Pwede kang magpatakbo ng gobyerno na hindi nangungurakot
“Almost every morning since 2019, I take some time to visit the different communities in Pasig. It has been a good way to keep in touch with our citizens and to see their concerns,” sey pa ng binata.
Dugtong pa niyang chika, “Bonus na lang yung madalas kaming sinasalubong ng mga masayahin at makukulay na karakter.”
Pinusuan at ni-like naman ito ng mga netizens at halos karamihan ay natawa sa litrato nina Vico.
“Ang swerte mo naman Mayor, may kasama kang pogi.”
“Nalito ako bro ah.”
“Vico Sotto sir Mayor Wag mo ng pigilan Tumawa ka narin po wag ka ng mahiya.”
“Cute talaga ni Vivico natin.”
“Hindi na nga kami papalag Mayor.”
“Ang saya ni Mayor!”
“Mayor parang ayaw mo naman pumayag sa mukha mo diyan.”
“Alam ko na Mayor bakit galit ka jan…mas pogi kasi sayo katabi mo.”
“Mayor bakit yung nakita nyo po yung picture na yan bakit parang dika masaya Eme joke lang po.”