Marian, Dingdong may renewal of vows para sa 10th wedding anniversary?

Marian, Dingdong simpleng selebrasyon lang para sa 10th wedding anniversary

Marian Rivera at Dingdong Dantes

KUNG si Marian Rivera ang tatanungin, keribels lang kung walang bonggang selebrasyon para sa 10th wedding anniversary nila ni Dingdong Dantes.

Sa darating na December ay ipagdiriwang na nga ng Kapuso Royal Couple ang ika-10 anibersaryo ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

In fairness, isa kami sa mga mapapalad na naimbitahan at nakasaksi sa bonggang kasalan nina Dong at Yanyan na ginanap sa Immaculate Conception Cathedral sa Quezon City noong December, 2014.

Natanong ng press ang Kapuso Primetime Queen sa isang event kung may plano na sila ng pinakamamahal na asawa para sa kanilang 10th wedding anniversary.

Baka Bet Mo: Jessa hindi na keribels mabuntis, Dingdong humirit: Kaya pa yan!

“’Yung asawa ko ‘yung nagpaplano, e. Si Dong kasi sentimental naman talaga ‘yung asawa ko. Nu’ng alam namin na ito na, parating na, sabi niya sa akin, ‘Do you want to celebrate?’ Sabi ko, ‘Bakit? Ikaw ba, gusto mo?’


“Ako kasi, the mere fact na magkasama kaming dalawa, maayos ang relasyon namin, maayos ‘yung mga anak namin, okay na ako e, sabi kong ganu’n.

“Pero si Dong talaga ‘yung, ‘Gusto ko na i-celebrate natin ‘to dahil 10 taon na tayong binibiyayaan ng Panginoon at hindi tayo pinapabayaan.

“‘We need to offer Him everything. Not for anyone else, but for Him,'” ang sabi raw ng Kapuso Primetime King kay Marian.

Sa panayam naman ng “24 Oras” ng GMA kay Marian ay natanong kung may plano ba sila ni Dong na magkaroon ng renewal of vows.

Sey ni Marian, “Very simple with family. Very simple.”

Read more...