Nadine ibinandera love letter ni Christophe, engaged na nga ba?

Nadine ibinandera love letter ni Christophe, engaged na nga ba?

Nadine Lustre at Christophe Bariou

ENGAGED na nga ba ang award-winning actress na si Nadine Lustre sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Christophe Bariou?

Yan ang mainit na usap-usapan ngayon sa social media matapos ibahagi ni Nadine sa kanyang Instagram account ang love letter mula sa kanyang dyowa. Kalakip din nito ang mga litrato nila ng binata.

“Can’t wait to discover and conquer the world with you,” ang mababasa sa sulat-kamay na love letter ni Christophe sa kanyang girlfriend.

Ang inilagay naman na caption ni Nadine sa kanyang post, “Man, oh man, you’re my best friend I scream it to the nothingness.”

Baka Bet Mo: Relasyong Nadine Lustre-Christophe Bariou Instagram official na, sweet photos pinusuan ng netizens

Dahil nga rito ay naging topic ng mga supporters ni Nadine ang relationship status nila ng kanyang negosyanteng boyfriend. Feeling nila, baka raw engaged na ang dalawa.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments ng mga IG followers ng aktres.


“Bakit feeling ko engaged na?”

“Same.”

“Bawat scroll ko di ako makahinga kasi di ako ready kung proposal.”

“NANINIWALA NA TALAGA KO SA FOREVER.”

“Di ka mali ng kutob.”

“Nope, sabi ni Nadine sa interview hindi pa.”

“FEELING KO DIN.”

“Because they are already MARRIEEEEED.”

“My thoughts too.”

“I smell the sweetness of a growing flower equalizing love and deep connection.”

“If feel niyo engaged na, feel ko naman kasal na. Anyway, delulu lang.”

Oh well, wait and see na lang tayo sa magiging announcement ng magdyowa kung totoo ngang engaged na sila. Anyway, nasa tamang edad na naman si Nadine para magkaroon ng sariling pamilya.

Read more...