MARAMING netizens ang nagkomento na tila ginamit lang daw ni Gerald Sibayan ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas para makapunta at manirahan sa Amerika.
Kaya ang payo ng karamihan sa social media followers ng komedyana ay gantihan ang nakahiwalay na asawa sa pamamagitan ng pagpapawalang-bisa sa Green Card nito.
Pero para kay Ai Ai, na isang US citizen, hindi naman daw niya kailangang gawin ito para lamang makaresbak kay Gerald kahit pa siya ang talagang tumrabaho at nagpakahirap para makakuha ng green card.
Kahapon, umiiyak na kinumpirma ng veteran comedienne sa episode ng “Fast Talk With Boy Abunda” na nakipaghiwalay sa kanya si Gerald sa pamamagitan lamang ng chat.
Baka Bet Mo: Sharon Cuneta sa nagsasabing nang-agaw sila ng campaign color: Go find your own color!
Nandito sa Pilipinas ang aktres habang nasa Amerika naman si Gerald nang mag-chat ito sa kanya para tuluyan nang makipaghiwalay.
Naniniwala rin siya na may ibang babae si Gerald kaya nakipaghiwalay ito sa kanya bukod pa sa mga rason nito na gusto na niyang magka-baby at hindi na happy sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa.
Pero sa panayam sa kanya ni Tito Boy, sinabi ni Ai Ai na wala siyang balak na ipawalang-bisa niya ang green card ni Gerald na nakuha nito matapos siyang ipetisyon after ng kasal nila noong 2017 at magpabalik-balik sa US.
“Hindi ko naman gagawin ‘yun. Siyempre husband ko pa rin siya. Parang help ko na ‘yon sa kaniya para magkaroon siya ng legal status sa Amerika,” sabi ng aktres.
Matatandaang noong 2015 nang maging green card holder si Ai Ai, na isang legal document para payagang manirahan nang permanente sa Amerika.
“Alam na niya ngayon how to fly. Parang kasi dati, ako yung nagmamaniobra, kasi ako talaga yung medyo matanda sa kaniya. So ngayon, mayroon na siyang karapatan to fly, nagwo-work na siya. Nandoon na siya sa Amerika,” ang pahayag pa ni Ai Ai na nag-celebrate rin ng kanyang 60th birthday kahapon.
Narito naman ang mensahe niya sa nakahiwalay na mister, “I wish you well kasi sa 10 taong pinagsamahan natin in fairness naman to you naging good husband ka naman and siguro ganoon talaga ang buhay. Basta, sana maging masaya ka na lang,” saad ni Ai Ai.
Ikinasal sina Ai Ai at Gerald noong 2017 at nagkaroon ng renewal of vows sa Las Vegas noong 2022.