Korina bagong host ng ‘Face to Face’ sa TV5: Sanay akong mag-referee

Korina bagong host ng 'Face to Face' sa TV5: Sanay akong mag-referee

OPISYAL nang pumirma si Korina Sanchez-Roxas bilang host ng “Face to Face: Harapan”, isang bagong yugto para sa iconic program ng TV5.

Simula November 11, mapapanood ang “Face to Face: Harapan” mula Lunes hanggang Biyernes, alas-4 ng hapon, bago ang “Wil to Win” sa TV5.

Ang award-winning journalist na si Korina Sanchez ang siyang  magdadala ng naiibang authoritative perspective sa programa.

Malugod siyang tinanggap ng mga MediaQuest at TV5 executives, kasama sina Jane Jimenez-Basas, President at CEO ng MediaQuest Holdings, Cignal TV, at MQuest Ventures; Guido R. Zaballero, President at CEO ng TV5; at John L. Andal, Group Finance Officer ng MediaQuest Holdings.

Sa produksiyon ng MQuest Ventures at Cignal TV, nananatili ang “Face to Face: Harapan” sa orihinal na tema nito habang bibigyan ng mas malalim at balanseng pagtalakay sa mga tunay na isyu ng buhay.

Baka Bet Mo: Korina may kundisyon bago tinanggap ang Face to Face kapalit ni Karla?

Bukod sa pagdinig sa mga panig ng Sa Pula at Sa Puti, bibigyan din ni Korina ng sariling evaluation ang bawat episode, batay sa narinig mula sa magkabilang panig at sa payo ng Harapang Tagapayo.

“Bata pa lang po ako, hanggang dito sa aking karera, malapit po ako sa masa. Ang akin pong hinahanap na mga kwentong buhay ay ang mga kwento ng mga totoong tao,” pahayag ni Korina sa contract signing.

Dagdag pa niya, “At ako po ay sanay na mag-referee sa pagitan ng mga nag-aalitang panig. That led me to say YES!”

Nagustuhan din niya ang format ng programa, “I think it’s something that can still grow and improve. And malay n’yo, magka-spinoff pa ito, right? But again the brand is all about quality, consistency, and authenticity.”

“We welcome our newest Kapatid, Korina Sanchez-Roxas, as the new host of Face To Face: Harapan,” sabi ng TV5 President at CEO na si Guido Zaballero. “Her ability to connect with people and tackle complex issues make her the ideal person to lead the show into this new era.”

Pahayag naman ni Jane Jimenez-Basas, President at CEO ng MediaQuest Holdings, Cignal TV, at MQuest Ventures, “Korina has long been one of the most recognized faces of Philippine media, with her remarkable history as a journalist.

“She definitely adds fresh dynamics to Face To Face: Harapan. I’m sure our Kapatid viewers will pick up some life lessons while enjoying the show,” sabi pa.

Sa pamumuno ni Korina Sanchez, asahan ang mga engaging na kwento at insights sa “Face to Face: Harapan” na siguradong kagigiliwan ng mga manonood tuwing hapon sa TV5.

Read more...