‘Stranger Things’ final season sa taong 2025 na, episode titles ibinandera

Stranger Things’ final season sa taong 2025 na, episode titles ibinandera

PHOTO: Instagram/@strangerthingstv

MAPAPANOOD na sa taong 2025 ang Season 5 ng hit series na “Stranger Things!”

Kaya naman bago pa ito masilayan ng fans, naglabas ang Netflix ng title tease upang ibandera ang opisyal na mga pamagat ng huling walong episodes ng serye.

Ang pasilip ay kasabay ng “Stranger Things Day” noong November 6, ang araw noong 1983 kung saan nawala si Will Byers sa Upside Down.

“In the fall of 1987, one last adventure begins. Stranger Things 5 coming 2025,” sey sa caption ng YouTube post.

Ang mga titulo na ipinakita sa teaser ay ang: “The Crawl,” “The Vanishing of…,” “The Turnbow Trap,” “Sorcerer,” “Shock Jock,” “Escape from Camazotz,” “The Bridge,” at “The Rightside Up.”

Baka Bet Mo: Dominic relate na relate sa post na tungkol sa lovers na naging ‘strangers’

Maliban sa mga interesting titles, kinumpirma sa tease ang mangyayaring “time jump” dahil sisimulan sa season 5 ang kwento bago pa mangyari ang mga kaganapan sa nakaraang kabanata.

Para sa mga nakanood nito, matatandaang natapos ang season 4 sa pagbubukas ni Vecna sa isang malaking pinto patungo sa Upside Down na nagdulot ng matinding pagkasira sa Hawkins.

As of this writing, ilang araw pa lang uploaded ang title tease at ito ay umaani na ng halos 3 million views sa nasabing video-sharing platform.

Sa comment section, ramdam sa fans ang kanilang pagkasabik sa upcoming season.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Awesome! I’m so excited for season 5 but also sad that this is the end.”

“It’s weird to think in a year’s time, it could be the end of a masterpiece.. but I never thought some titles could get me so hyped up again!”

“This is it. Huge shout out to the cast and crew for establishing one of the best series I’ve seen in recent years [red heart emoji] Bring on S5!”

“As a fan, just truly grateful. The late night binges and convos. This is it. What a journey…”

Muling magbabalik sa Stranger Things universe ang orihinal na cast na sina Winona Ryder, David Harbour, Finn Wolfhard, Millie Bobby Brown, Gaten Matarazzo, Caleb McLaughlin, Natalia Dyer, Charlie Heaton, Joe Keery, at Noah Schnapp.

Pati na rin sina Sadie Sink, Brett Gelman, Maya Hawke, Jamie Campbell Bower, at Amybeth McNulty.

Bukod sa mga pamilyar na mukha, ipapakilala rin sa season five sina Linda Hamilton, Nell Fisher, Jake Connelly, at Alex Breaux bilang mga bagong miyembro ng cast.

Nabanggit ng Netflix na kahit matatapos na ang serye, ang “Stranger Things” ay nakatakdang magkaroon ng isang live stage play at isang animated spinoff series.

Read more...