Claudine naka-‘bonding’ ang pamilya ni Rico Yan: ‘I promise to always be there’

Claudine naka-‘bonding’ ang pamilya ni Rico Yan: ‘I promise to always be there’

PHOTO: Instagram/@claubarretto

TUWANG-TUWA ang maraming netizens sa latest Instagram post ng batikang aktres na si Claudine Barretto.

Nakasama at naka-bonding niya kasi ang naiwang pamilya ng yumaong aktor na si Rico Yan.

Makikita sa mga litrato na present sa kanilang pagkikita ang ina ni Rico na si Teresita Yan, kapatid na si Tina, at pamangking si Alfy.

“God you are our rock & strength. An inspiration to many,” caption ni Claudine.

Mensahe pa niya sa dating karelasyon na si Rico, “You are truly an angel from God to remind us that you are just right beside us. Missing you terribly.”

Baka Bet Mo: Julia, Joshua nag-ala Claudine Barretto at Rico Yan, fans kilig na kilig

“I promise to always be there for Tita Sita & your whole family; Tita, Ger, Francis, of course Cheska & Alfy, Bobby & Martina,” wika niya sa IG, kalakip ang hashtag na “thank you Lord for everything.”

Sa comment section, maraming fans ang nagbunyi at very happy dahil kasundo pa rin ni Claudine ang pamilya ni Rico.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“My heart [crying, white heart emojis] no words can express how happy we are. I am pretty sure Rico is happy seeing you all together in one frame. Been waiting for this ever since and I must say…IT WAS ALL WORTH IT.”

“It’s truly beautiful to see you still sharing these moments with his family, Ate Claudine. He must feel so proud and grateful for the love that continues to surround him through all of you. Moments like these keep his memory alive in the most genuine way.”

“Sobrang All is well na talaga [happy face with heart eyes emoji] Im sure lumulundag at tuma-tumbling sa tuwa si Kuya Ry up there [white heart emoji].”

“Iba happiness nila [holding back tears emoji] Hindi lang makikita sa mga ngiti, kundi sa mga mata din nila [red heart emojis] I’m Happy for you Ate @claubarretto with Yan’s Family [red heart emojis].”

Kung matatandaan, taong 1994 nang mag-umpisang mag-date sina Claudine at Rico.

Noong 1996 naman nang unang beses silang magtambal sa pelikula, ang “Radio Romance.”

Bukod diyan, ilan lamang sa pinasikat nilang proyekto ang ang romantic movies na “Got 2 Believe” at “Flames: The Movie,” pati na rin ang TV series na “Mula sa Puso.”

Samantala, ang dalawa ay naghiwalay noong 2001, pero ito ay hindi inanunsyo hanggang sa pagkatapos ng biglaang pagpanaw ng aktor.

March 2002 nang sumakabilang-buhay si Rico habang nasa bakasyon sa Puerto Princesa, Palawan.

Siya ay nag-cardiac arrest habang natutulog na komplikasyon ng acute hemorrhagic pancreatitis. Siya ay nasa edad 27.

Read more...