Ai Ai delas Alas, Gerald Sibayan hiwalay na, dahil ba hindi magka-baby?

Ai Ai delas Alas, Gerald Sibayan hiwalay na, dahil ba hindi magka-baby?

Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan

KINUMPIRMA ng veteran entertainment columnist at online host na si Jobert Sucaldito na hiwalay na ang mag-asawang Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan.

Ibinalita ni Jobert sa online show nila ni Direk Chaps Manansala na “Oras ng Opinyon, Talakayan, at Diskusyon” o “OOTD” sa YouTube na pagkatapos ng 10 taon ay nauwi rin sa breakup ang pagsasama ng dalawa.

Matagal nang naba-blind item sina Ai Ai at Gerald pero walang kumpirmasyon at maging ang kaibigan cum manager ng una na si Kuya Boy Abunda ay wala ring alam.

Kaya nangako siya sa viewers ang King of Talk sa programa niyang “Fast Talk With Boy Abunda” sa GMA 7 na aalamin niya ito sa aktres sa Lunes, Nobyembre 11 na mismong araw ng kaarawan niya dahil panauhin niya ang komedyana.

Pero nauna na si Jobert na parehong kaibigan nina kuya Boy at Ai Ai na kumpirmahin ito base sa common friend nila.

Baka Bet Mo: Ai Ai miss na miss na si Gerald: Blessed ako na kahit matagal na kami, mahal pa rin namin ang isa’t isa

Una munang nagtanong si direk Chaps kay Jobert, “Nagulat ako nalungkot ako di ko alam kung anong naramdaman ko kumakalat sa social media ngayon ‘Nay (Jobert) na hiwalay na si Ms. Ai Ai delas Alas at ang kanyang asawang si…?”


“Si Gerald Sibayan,” dugtong ni Jobert.

Tuloy ni Jobert, “They’ve been married for the past 10 years and akala nga ng iba may forever, di ba? Akala natin (talaga) may forever kasi minsan nagbibiro pa nga si Ai Ai sa mga interview sa kanya because alam niya na mahal na mahal siya ni Gerald and they really loved each other.

“In fairness kay Ai Ai ay she had done everything para ma-please ang kanyang husband at I’m sure tinulungan niya ito sa kanyang flying school now that he is a pilot they opted to stay in America. At si Ai Ai di ba bihira siyang umuuwi dito kapag may mga show,” sabi pa ni Jobert.

Hirit naman ni Direk Chaps, “Sakripisyo and submitted herself accordingly and forgot about herself and pinokus niya ang kanyang pagmamahal kay Gerald ng ilang taon.”

“Yeah at ngayon lang talaga pumutok ang balitang naghiwalay na sila ni Gerald Sibayan, so I called a friend, a non-showbiz friend na close kay Ai Ai and pinasuka (pinilit magsalita) ko ‘yung kanyang non-showbiz friend at umamin, yes hiwalay sila!

“Sabi sa akin ‘totoong hiwalay sila but I cannot give you details.’ I will respect that hihintayin ko ‘yung oras na si Ai Ai na mismo ang magsasabi , magpaliwang at mag-explain kung paano sila naghiwalay.


“Ang follow-up question ko lang sa non-showbiz friend namin na ‘yun na close kay Ai Ai kung may kinalaman ba ‘yung edad kung bakit sila naghiwalay kasi malayo ‘yung age gap nila. Sabi niya (non-showbiz friend), ‘in a way, yes!’

“May naglalaro sa isip ko na siyempre Gerald is young, Gerald wants a child gustong magkaanak ‘yan pero siyempre hindi na maibigay ni Ai Ai ‘yung because lampas na siya sa edad na alam mo ‘yun na puwedeng mag-anak.

“Kumbaga it’s not just about love, eh.  Siyempre ‘yung bata, nagbabago, ‘yung perspective niya. Nu’ng bago palang sila, I’m sure he really loved Ai Ai at hindi naman siya tulad ng ibang bat ana ginamit lang niya si Ai Ai kasi itong batang ito ay may kaya rin ang pamilya nito.

“Kumbaga it’s also sacrifice for him na Ai Ai is popular kaya but because his age na dapat na-enjoy niya ang kanyang youth.  Normally dab inga nila (mga Marites) dapat ang naging dyowa niya ay kaedaran niya.

“At dahil sa factor na iyon ay may bagay silang hindi nagkakaunawaan in short.  Basta kinonfirm ng ating non-showbiz na source na talagang hiwalay na sila at malungkot si Ai Ai and she just arrived galing siya ng Amerika na halos doon na siya naninirahan.

“But since hiwalay na sila (Ai Ai at Gerald) siguro dito muna siya at nandoon naman ‘yung anak niya si Sofie (sa Amerika),” sabi pa ni Jobert.

Nakalulungkot nga kung totoong hiwalay na sila at bukas ang BANDERA sa panig ni Ms A.

Read more...