TRENDING kaagad ang teaser drop ni Nadine Lustre as Nicole sa pelikulang “Uninvited” dahil wala pang isang oras ay almost 600 shares na ito sa Mentorque FB account with 1,200 engagements.
Base sa teaser ay ang lutong ng mura ni Nicole sa papa niyang si Aga Muhlach as Guilly sa party at tumigil lang siya ng muntikan siyang sapakin nito.
Sabi ni Aga na pasimple, “Huwag mo akong mumurahin!”
Baka Bet Mo: Nadine Lustre in-unfollow na sina James Reid, Issa Pressman sa IG
Pero binalikan siya ni Nadine ng mura ng ilang beses kaya biglang itinaas ni Aga ang kamay niya.
Narinig ang boses ni Mylene na may kausap, “Mana sa akin ang anak ko, si Nicole? Isip ko nga kung dapat kong ikatuwa, at least hindi siya nagmana sa tatay niya.”
Ipinakita si Nicole na umiinom ng wine at tila bad trip kaya dinala siya ni Ron Angeles sa isang kuwarto para mag-usap.
Tanong ni Ron kay Nadine, “Ganu’n ba kayo talaga ng dad mo? Ganu’n kayo mag-away?”
“You haven’t seen the worst of it yet. I hate everything that he does, but I love his fucking money,” sagot ni Nadine.
Ano ang ibig sabihin ni Aga sa sinabi niya sa anak niyang si Nicole na, “you’re so hot tonight, para sa akin ba ‘yan?”
At ang last frame ay tinutukan ni Guilly ng baril si Nicole na takot na takot.
Hindi nagkamali ang Mentorque at Project 8 Projects na isama si Nadine sa hanay nina Aga at Ms Vilma Santos na parehong premyadong aktor at aktres dahil ilang beses na rin naming nanalo ng best actress ang dalaga tulad ng Asian Academy Creative Awards, FAMAS (3x), Gawad Urian, Metro Manila Film Festival, Young Critics Circle, Gawad Bedista awards, Platinum Stallion Media awards, at marami pang iba.
Nabasa naming ang ilang komento ng netizens:
“The latest Uninvited teaser featuring Nadine Lustre is here, and she truly impresses with her powerful performance! Nadine’s skill and screen presence are undeniable, adding intense emotion and depth. Yet, even in glimpses, Ate Vi’s unmatched charisma radiates through, reminding us of the strength she brings to every role. While this teaser focuses on Nadine, Ate Vi’s subtle yet magnetic presence hints at the impact she’ll have, setting the stage for a truly captivating film. Uninvited is looking like a must-watch with these two incredible stars!”
“Grabe Diko Kinaya Yung Mur*han Scene Galing Galing ng Teaser Goodluck Po #Uninvited Family.”
“Very Hollywood ang style ng directing ni Dan Villegas. Very intense ang bawat eksena. Kapanapanabik! Ano ang nababalot na lihim sa katauhan ni Nicole?Ang husay ng pagganap ni Nadine Lustre. She deserves an acting nomination for her role, si Ate Vi simple lang ang ipinakitang akting pero tumatagos. Si Aga Muhlach ay mahusay din. Kaabang-abang.Am I invited? Of course,I’m Invited to watch it.”
“Aga brings a powerful presence and depth to his role, perfectly complementing Nadine’s intensity. Together, they create an engaging dynamic that heightens the excitement for this film. With these two talents sharing the screen, Uninvited promises to be a cinematic experience filled with powerful performances and emotional impact.”
Mapapanood ang “Uninvited” simula December 25 bilang entry ng Mentorque Productions, Project 8 Projects at Warner Bros mula sa direksyon ni Dan Villegas.
Ang iba pang kasama sa pelikula ay sina Mylene Dizon, Ron Angeles, Gabby Padilla, Cholo Barretto, Elijah Canlas, Gio Alvarez, RK Bagatsing, Lotlot de Leon, Ketchup Eusebio, Mr. Tirso Cruz lll at iba pa.